top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga eksperto at pamahalaan, dapat magkasundo sa quarantine status

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 11, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | January 11, 2022



Mula sa Alert Level 3, posibleng maitaas pa sa Alert Level 4 ang quarantine status sa National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.


Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ito ang ikinukonsidera ngayon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) dahil sa pagtaas ng healthcare utilization rate kung saan malapit nang maabot ang “moderate risk”.


Paliwanag ng opisyal, nais ng pamahalaan na maiwasan ang sitwasyon dahil may sapat na bed spaces sa mga pagamutan, subalit kulang ang healthcare workers dahil na rin sa tumataas na bilang ng hawahan sa kanilang hanay.


Sa ngayon, ang NCR ay nasa ilalim ng Alert Level 3 hanggang Enero 15, 2022, gayundin ang ilang kalapit-lalawigan na nakapagtatala na rin ng pagtaas ng bagong COVID-19 cases.


Sa ilalim ng Alert Level 4, 10% indoor capacity para sa mga fully vaccinated, habang 30% sa outdoor capacity ang pinapayagan ang operasyon ng mga establisimyento, habang hindi naman papayagan pa ang pagbubukas ng mga sinehan, pagdaraos ng contact sports, face-to-face classes, amusement parks at mga casino.


Samantala, hindi pa inirerekomenda ng grupo ng mga doktor ang pagtaas ng alert level sa bansa sa kabila ng banta ng mas nakahahawang Omicron variant.


Ito ay dahil nakikita umano ang epekto ng Alert Level 3 kung saan nabawasan ang paglabas ng mga tao.


Tulad ng palagi nating sinasabi, bawal makampante dahil tila bumabalik sa dati ang sitwasyon.


Pero pagdating sa mga ipatutupad na hakbang o solusyon, kinakailangang magkasundo ang mga eksperto at pamahalaan.


Bagama’t nauunawaan nating may kani-kanyang opinyon ang bawat panig, hindi ito dapat magdulot ng kalituhan sa mamamayan.


Kung ayaw nating maulit ang mga nakaraang problema, ang kailangan natin ay malinaw na plano at makatwirang mga hakbang kontra pandemya.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page