Mga Duterte, gustong makasundo... Marami na 'kong kaaway — PBBM
- BULGAR
- 3 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | May 20, 2025
File Photo: P-Bongbong Marcos, podcast with Anthony Taberna - FB / Sara Duterte - FB, OVP
Bukas si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kaugnay sa pakikipagkasundo sa pamilya Duterte sa gitna ng matagal na tensyon sa pulitika kung saan sinasabing pinahahalagahan niya ang katatagan at pagkakaibigan kaysa sa awayan.
Ginawa ng Pangulo ang reaksyon matapos siyang tanungin ng brodkaster na si Anthony Taberna sa unang episode ng kanyang podcast kung gusto niyang makipag-ayos sa pamilya Duterte.
"Oo. Ayoko ng gulo. Gusto ko makasundo sa lahat ng tao. Mas maganda. Marami na akong kaaway. Hindi ko kailangan ng kaaway, kailangan ko kaibigan," pahayag ni Marcos.
"Ewan ko. Hangga't maaari, ang habol ko 'yung stability, peaceful, para magawa namin ang trabaho namin. Lagi akong bukas sa ganyan. I'm always open to any approach," diin niya.
"Halika, magtulungan tayo. Kahit na hindi tayo magkasundo sa polisiya, hindi tayo magkasundo, tanggalin natin ang gulo," dagdag pa ng Pangulo.
Comments