top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Mga drayber, kamot-ulo sa lisensyang papel

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 22, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | April 22, 2023


Nasa 5.2 milyong driver’s license holders ang bibigyan ng pansamantalang papel na lisensya sa halip na plastic card.


Nauna nang humingi ang LTO ng P249-million budget allocation para sa procurement ng 5.2 million blank plastic cards para sa isang taong suplay nito.


Sa press briefing ni LTO chief Assistant Secretary Jose Arturo Tugade noong Huwebes, sinabi nito na mauubusan ng plastic card ang ahensya sa huling linggo ng buwan dahil mayroon na lamang 147,000 na piraso sa imbentaryo. Maaapektuhan aniya ang mga mag-a-apply o magre-renew ng kanilang mga lisensya.


Ang 5.2 milyon ay tumutukoy sa backlog ng LTO sa pag-iisyu ng mga plastic card na lisensya.


Ang pansamantalang driver’s license ay maglalaman ng QR code, na kailangan ng law enforcers para ma-authenticate at ma-validate mula sa mga motorista.


Maaari ring kunan ng larawan ng mga motorista ang dokumento gamit ang kanilang mga cellphone at ipakita ito kung sakaling sila ay masita o mahuli.


Noong Nobyembre 15, 2022, inasahan na ng LTO ang kakulangan sa imbentaryo ng mga plastic card, na nag-udyok kay Tugade na bumuo ng komite para humanap ng materyal.


Gayunman, noong Enero, naglabas ang Department of Transportation (DOTr) ng special order na nag-uutos sa LTO na ipagpaliban ang procurement deals na nagkakahalaga ng higit P50 milyon.


Hindi ito magandang balita para sa mga kapatid nating motorista, lalo na ngayong na pamahal nang pamahal ang pagkuha ng driver’s license.


Marami itong kaakibat kung sakaling ipatupad na ang pagbibigay ng papel na lisensya.


Unang-una r’yan ay madali itong mapunit o mabasa, tiyak na malaking problema ito para sa mga motorista.


Kailangan agad itong maaksyunan ng ating gobyerno, tila masasayang ang binayad ng mga kukuha o magre-renew ng driver’s license kung papel lang ang kanilang matatanggap.


Kung tutuusin ay simpleng problema lang ito at madaling solusyunan, pero sana ay maghanap pa ng ibang alternatibong paraan bukod sa papel.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page