top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga Dos and Don’ts ng mga taong nueve

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 10, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | December 10, 2023


Dear Maestro,

 

Naisipan kong sumangguni sa inyo upang makiusap kung maaari n’yo bang talakayin ang aking kapalaran? Ano ang dapat kong gawin para magtagumpay ako sa materyal na bagay at para na rin lumigaya ako pagdating sa larangan ng pag-ibig?  May birth date akong 9 sa destiny number na 8. Magtatagumpay kaya ako balang araw? 

 

Ang birthday ko ay September 18, 1997.

 

Umaasa,

Jazlyn ng San Felipe, Laur, Nueva Ecija

 

Dear Jazlyn,

 

Ayon sa iyong mga numero, tiyak na magtatagumpay ka sa materyal na bagay, dahil sa destiny number mong 8 (9+18+1997=2024/ 20+24=44/ 4+4=8) ang destiny number na 8 ay talaga namang yumayaman, lalo na kung kaya mong mag-ipon o magpundar ng pangkabuhayan. “Simpleng buhay” ang pormula sa lahat ng iyong problema, at para mapagtagumpayan mo ang mga pangarap mo sa larangan ng materyal na bagay. Tandaan mo ang susi ay ang pagkakaroon ng “simpleng buhay.”

 

Halimbawa, nagkaroon ka ng maraming pera. Huwag mo namang araw-arawin ang masasarap at mamahaling ulam at halos buwan-buwan na pamimili sa mall. Sa halip, tulad ng nasabi na, simpleng ulam lang na medyo tipid ang ihain mo sa iyong mga anak at imbes na mag-shopping sa mall, sa palengke na lang kayo mamili upang mas makamura. At kung may cellphone ka na, huwag ka na munang bumili ng latest model, lalo na kung buo pa naman ang dati mong cellphone. Simpleng pamumuhay ang ipamulat mo sa iyong mga anak. 

 

Kung sakaling nakaluwag-luwag ka sa salapi, huwag mo naman sobrang pagandahin ang inyong bahay. Sa halip, basta malinis at maayos, may kulay berde o metallic blue, puwede rin ang pink ang kulay ng dingding. May mga berde at bulaklaking halaman sa bakuran, ayos na iyon. Huwag mong piliting makipagpaligsahan sa iyong mga kapitbahay. 

 

Sa pag-ibig naman, talagang medyo malungkot ang nagiging karanasan ng mga taong tulad mo, masyado kasi kayong “idealistic”. ‘Yun bang may pagkamayabang at ang gustong mapangasawa ay ‘yung mas magaling sa kanila. 

 

Ibig sabihin ng mas magaling sa kanila, halimbawa ay college graduate na kinikilala sa lipunan o kaya nama’y mayaman ang gusto nilang mapangasawa. Kaya sa bandang huli, dahil sa pagiging mapili, hindi nila namamalayan “nauubusan” na pala sila ng pamimilian hanggang sa tumanda silang dalaga o binata na hindi dapat mangyari sa iyong karanasan.

 

Samakatuwid, huwag kang maghanap ng “perfect partner” gayung obvious na obvious naman sa iyong sarili na ikaw ay hindi naman perpektong nilalang.

 

Ayon sa iyong Love Calendar, upang lumigaya ka sa pag-ibig, isaalang-alang mo ang mga taong isinilang sa zodiac sign na Capricorn, Taurus, Pisces, Cancer, Libra at Virgo na may birth date na 2, 11, 20, 29, 5, 14, 23, 7, 16 at 25.

 

At kung susundin mo ang mga simpleng rekomendasyong inilahad sa itaas, “simpleng buhay at simpleng pamumuhay”, na hindi masyadong mayabang. Magsisimula kang umunlad, lumigaya at yumaman sa taong 2040, sa edad mong 43 pataas.

 

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page