top of page

Mga delegasyon sa Palaro... 15,000 kalahok nagtitipon na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 hours ago
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports News | May 23, 2025



Photo: Palarong Pambansa 2025 - DepEd Tayo NCR


Aabot sa 15,000 delegasyon ang inaasahang lalahok sa 2025 Palarong Pambansa kasunod na rin ng unti-unting pagdating ng mga kinatawan ng bawat rehiyon para sa taunang grassroots sports program ng bansa na gaganapin simula Mayo 24-31 sa iba’t ibang panig ng Ilocos Norte.


Nakatakdang buksan ang 65th edisyon ng taunang pampalakasan para sa elementarya at secondaryang mga atleta na inorganisa ng Department of Education (DepED), kaagapay ang Provincial Government ng Ilocos Norte, gayundin ang DepEd region 1 at ang Schools Division Office of Ilocos Norte sa Sabado.


Masasaksihan ang engrandeng opening ceremony sa 12,000-capacity track and field stadium na Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium (FEMMS) bukas ng hapon na maaaring daluhan ng mga matataas na opisyal ng DepEd at ibang sangay ng pamahalaan, habang inaasahan ang pagdating ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos, bilang punong-bisita.


Mula sa temang “Nagkakaisang Kapuluan,” nakahanda na ang host region na salubungin at malugod na tanggapin ang 19 na partisipante kasama ang National Sports Academy (NAS), Philippine School Overseas, Bangsamoro, Region IV-B, Region II (Cagayan Valley), Cordillera Administrative Region, Region XIII (Caraga), Region IX (Zamboanga Peninsula), Region V (Bicol), Region X (Northern Mindanao), Region XII (Soccsksargen), Region VIII (Eastern Visayas), Region III (Central Luzon), Region VII (Central Visayas), Region XI (Davao Region), Region VI (Western Visayas), Region IV-A (Calabarzon) at ang dalawang dekada ng kampeon na National Capital Region.


Nananatiling matatag na koponan pa rin ang NCR na nagtala ng kabuuang 98 ginto, 66 silver, at 74 bronze medals sa nagdaang 64th edisyon sa Cebu City noong isang taon. Inaasahang magiging pangunahing pambato ng NCR sina gymnasts Elaiza Yulo at Maxine Amira Bondoc na kumubra ng tig-5 ginto, at swimmers Sophia Garra at Alesandra Therese Martin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page