Mga dayuhan, i-welcome — Castro... Huwag mag-rally sa ASEAN Summit

ni Mylene Alfonso @News | September 24, 2026

Photo: Atty. Claire Castro - Presidential Communications Office
Hiniling ng Malacañang sa publiko na pansamantalang iwasan ang malalaking kilos-protesta sa 49th ASEAN Summit sa Nobyembre 16 hanggang 18 bilang maayos na pagtanggap sa mga dayuhang lider.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi ipinagbabawal ni Pangulong Bongbong Marcos ang karapatang magprotesta at magpahayag ng hinaing.
“Mas magandang i-welcome natin ang ating mga bisita. At kung kayo naman po ay mayroong hinaing, ito naman ay maaari ninyo namang sabihin sa ibang araw,” ani Castro.
Nilinaw niyang hiling lamang ito at hindi pagdidikta sa publiko.





Comments