top of page

Mga dapat gawin ng dalagang gustong maging bf si crush, alamin!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | August 17, 2023



Dear Maestro,


Naisipan kong sumangguni sa inyo, may crush akong lalaki na isinilang noong September 24, 2001, sa pagkakaalam ko ay isa siyang Libra habang ako naman ay isinilang noong May 27, 2002 na isang Gemini.


Sa ngayon ay magkaibigan kami, pero hindi niya ako nililigawan. Ang nais kong itanong kung sa ganitong kalagayan ba ay posible dumating ang pagkakataon na liligawan niya rin ako? Lalo na ‘pag nalaman niyang may crush ako sa kanya?


Walang may alam na gusto ko siya, kaya malabo rin niyang malaman na may pagtingin ako sa kanya. Sa palagay mo ba, Maestro, posible kaya na maging kami balang araw?


Umaasa, Jhas ng Silangan, San Mateo, Rizal

Dear Jhas,


Nagkataong ikaw ay isinilang sa zodiac sign na Gemini habang Libra naman ang sinasabi mong lalaking lihim mong crush. Sa madaling salita kung sa aspetong Western Astrology ang pag-uusapan o pagbabatayan, walang duda, sadyang compatible kayong dalawa, sapagkat kapwa kayong nagtataglay ng elementong air or hangin.


Ibig sabihin, tugma ang bawat elementong inyong tinataglay, kaya kung nahihiya ka rin sa kanya o siya ay nahihiya sa iyo, o hindi pa kayo lubusang magkaibigan, puwede mo naman daanin sa social media. I-add mo siya at i-chat mo siya, o kaya naman ay mag-post ka sa wall mo ng mga sweet message tungkol sa kanya, makikita mo sa bandang huli magre-reply siya sa iyo, hanggang sa personal na kayong makabuo ng isang maligaya at panghabambuhay na relasyon.


Sa sandaling sinunod mo ang simpleng rekomendasyon nabanggit, tulad ng nasabi na, anumang araw mula ngayon, posibleng ang pagkakaibigan n’yo sa social media, ay tuluyan na ring mauwi sa isang wagas at matimyas na pagmamahalan.


Habang sa aspetong pang-Numerology naman ang birth date mong 27 o 9 (2+7=9) at 24 o 6 (2+4=6) naman ang sa lalaking crush mo ay nagpapatunay ding sa Numerology na compatible kayong dalawa, dahil tugma rin ang iyong numerong na kung tawagin ay series of 3-6-9.


Ibig sabihin, kung walang girlfriend ang lalaking lihim mong crush at wala ka rin namang boyfriend sa ngayon, tiyak ang magaganap, darating ang panahon na kayo na nga ang magkakatuluyan.


Ayon sa iyong Love Calendar, ang nasabing pagtaya sa itaas ay nakatakdang mangyari at maganap sa taon ding kasalukuyan sa susunod na buwan ng Setyembre, sa nasabing panahon, habang pumapatak-patak ang mahinang buhos ng ulan sa kapaligiran, hindi na nga maiiwasan pang mabuo ang isang matimyas at wagas na relasyon na hahantong sa isang panghabambuhay na pagmamahalan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page