top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mga dapat gawin ng 32-anyos na atat na magka-bf

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 6, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | January 6, 2024


Dear Maestro,


Hindi ako masyadong maganda, medyo maliit at may pagka-chubby din ako, kaya sa edad kong 32 ay walang nagkamaling manligaw sa akin, kaya wala pa rin akong nagiging boyfriend. Noong high school at college ako, kadalasan ay alalay lang ako ng mga kaibigan kong magaganda habang marami sa silang manliligaw.


Palagi tuloy chaperone ang papel ko sa mundo ng mga kaibigan ko. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo, Maestro, upang malaman kung may pag-asa pa ba akong magka-boyfriend at makapag-asawa, at sa halip na ako ang palaging umaabay, puwede bang ako naman ang abayan? September 28, 1991 ang birthday ko.


Umaasa,

Krizzhia ng San Juan, Baras, Rizal

 

Dear Krizzhia,


Kung pag-ibig at pakikipagrelasyon ang pag-uusapan, sabi nga nila, “Daig ng malandi ang maganda,” pero hindi ko naman sinasabing “lumandi ka” at 'wag nang magpaganda. Sa halip, dapat ay magpaganda at magpa-charming ka pa rin upang mas madali mong ma-attract ang kalalakihan.


Dahil ikaw ay nasa ilalim ng zodiac sign na Libra, ang pinakamabuti mong magagawa mula ngayon, lalo na ngayong Bagong Taon ay maligo araw-araw at dapat palagi kang amoy mabango at parang laging bagong paligo. Sa ganyang paraan, mabubuhay ang signos mong Libra na may ruling planet na Venus na madaling aakit ng mga manliligaw na lalaki.  


Dagdag pa rito, ang zodiac sign mong Libra, sa birth date na 28 o 1 (2+8=10/ 1+0=1) ang nagsasabing kailangan mong makipagkaibigan sa mga lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini, Aquarius, Aries at kapwa mo Libra. Puwede rin sa isang Virgo na may birth date na 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 4, 13, 22, 31, 6, 15, 24, 9, 18, 27, 3, 12, 21 at 30, huhugot sa nasabing mga zodiac sign at birth date ang isang matinong lalaking makakaisang-dibdib at makakasama mo habambuhay.


Samantala, dahil 28 o 1 (ang 28 ay 2+8=10/ 1+0=1) ang birth date mo, hindi totoong wala kang appeal sa mga lalaki. Ito ay dahil bihira sa mga taong may birth date na 1, 10, 19 at 28 ang hindi nakapag-aasawa.Kumbaga, likas sa kanila ang may “magnetic personality” na tinataglay, lalo pa nga’t nagkataong Libra ang iyong zodiac sign na nagtataglay na may ruling planet na Venus.


Ibig sabihin, basta medyo magpa-flirt, magpaganda at palagi ka lang magsuot ng kulay na pula at dilaw, makikita mo na biglang may manliligaw sa iyo hanggang sa tuluyan kang magka-boyfriend at makapag-asawa sa takdang panahong inilaan ng kapalaran. 


Habang, ayon sa iyong Love Calendar, kapag sinunod mo ang mga simpleng rekomendasyong binanggit sa itaas, tiyak ang magaganap sa taon din ito - isang lalaking balingkinitan ang pangangatawan, semi-kalbo ang i-style ng buhok at medyo kayumanggi ang kulay ng balat ang darating. Sa nasabing panahon, habang lumalakad ang edad mo sa 33 at 34 pataas, magkaka-boyfriend ka na, magkakaroon ng romantiko at masayang relasyon hanggang sa tuluyan ka ng makapag-aasawa at magkaroon ng simple at panghabambuhay na pamilya.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page