top of page

Mga dapat gawin kung sobrang nangungulila sa pamilya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 17, 2020
  • 3 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | September 17, 2020




Maihahalintulad ang isang pamilya sa isang pugad ng ibon. Kapag oras nang lumipad ng mga inakay, lilipad at lilipad ang mga iyan. Dito dapat na maging matatag ang mga magulang, kaibigan at ang nananatiling pagmamahal kung lumipad at umalis na ang mga ito mula sa kanilang pugad at muling magbubuo ng sarili nila. Dito sa artikulong ito, tatalakayin ang mga paraan kung paano kakayanin ng magulang ang ma-miss ng sobra ang mga anak.

  1. Manatiling makipag-usap sa pamilya. Dapat kahit paano ay mayroon kang cellphone para ang iyong mga anak na lalaki at babae ay magkaroon ng tsansa na makausap mo kahit lingguhan. Okey lang ang text at tawag, pero mas mainam pa rin ang e-mail o messenger sa lahat at nauuso na rin ang online zoom meeting or kahit sa gmail ay may meeting drive para magkikita at magkakausap pa rin kayo sa pamamagitan ng video messages.

  2. Magtatag ng bagong pakikipagkaibigan. Ang mga kaibigan ay isang mahalagang parte ng iyong pagbabago mula sa full time parent, mga taong walang kasama sa bahay. Lumabas at magpakilala sa bagong kaibigan. Maaaring may iba ring katulad mo na naghahanap din ng iba pang mga kaibigan.

  3. Magkaroon ng bagong hobby o interes para malibang ka gaya ng pagpipinta, photography o iskultura. Magbalik sa eskuwelahan. Muling magsimula ng bagong career.

  4. Alisin ang ibang kalat, pero ingatan na mailagay sa isang ligtas na storage ang mga kagamitang iniwan ng mga anak.

  5. Tumanggap ng suporta. Makipag-usap sa propesyonal. Mainam na may makausap ding may ganyang kaso at malaman sa kanila kung ano ang kanilang sikreto para mapawi ang kalungkutan.

  6. Mainam na ideya na magsimulang magplano at maghanda bago pa man dumating ang oras na magsialis ang mga anak at magkaroon ng sariling pamilya.

  7. Kailangang asahan na magbabago ang relasyon sa mga anak sa sandaling sila ay tumatanda na at magkaroon ng sariling buhay.

  8. Isipin ang ilang positibong puntos kung bakit magsasarili na ang mga anak:

  9. Mapapansing hindi na rin kailangang punuin ng pagkain ang refrigerator.

  10. Tiyak na madaragdagan ang sweetness mo sa iyong asawa.

  11. Kung dati ikaw ang naglalaba ng kanilang damit, ngayon ay damit na lang ninyong mag-asawa ang iyong lalabhan at paplantsahin.

  12. Maliit na rin ang babayaran ninyo sa tubig, phone at kuryente.

  13. Kung gusto mo ay mag-alaga ka ng mga aso o pusa, pampaibsan din sila ng kalungkutan.

  14. Lumahok sa kawanggawa. Ang paggawa ng isang bagay na positibo sa libreng oras ay masarap damhin.

  15. Kung ang mga anak ang tanging bonding force ninyong mag-asawa, kayong mag-asawa ay kailangang magtulungan na hindi malungkot.


Sa ilang kaso, hindi lang ang inyong relasyon ang nasa gusot . Kapag napalayo na ang mga anak na babae, maaring agad siyang malulungkot. May ilang kaso ay malubha depende kung gaano siya ka-close sa kanyang anak. Pero kaya ninyong mag-asawa na magtulungan. Darating din ang time na mawawala rin ang kalungkutan. Alam din ng isang ina na darating ang araw lilipad din ang kanyang mga inakay. Pero napakahirap lumayo sa kanila. Natatakot kasi ang nanay na hindi na nila makikita ang mga anak. Oo, unawain na para iyang isang kutsilyong isinaksak sa puso. Kaya dapat maging mapagpasensiya ang mga anak sa kanilang ina. Magiging okey din siya. Mga nanay, makikita n’yo rin sila, oo, masakit. Pero kailangan nilang lumago. Gusto rin kasi nilang maranasan ang buhay. Ang atin lang magagawa para sa kanila ay dapat nandiyan ka lagi, makinig at mahalin sila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page