top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Mga bomba, nahukay sa ginagawang gas station

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 10
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 10, 2026



Nagulantang ang mga naghuhukay ng lupa sa isang ginagawang konstruksyon ng gasolinahan dahil sa pagkakadiskubre sa mga piraso ng vintage bombs na pinaniniwalaang mula pa noong World War II sa Olongapo City.

Photo: Ang mga bomba o vintage bombs na nahukay sa ginagawang gasolinahan sa Barangay New Cabalan, Olongapo City nitong Lunes. (Jeff Tumbado)


Nagulantang ang mga naghuhukay ng lupa sa isang ginagawang konstruksyon ng gasolinahan dahil sa pagkakadiskubre sa mga piraso ng vintage bombs na pinaniniwalaang mula pa noong World War II sa Olongapo City.


Ayon sa purok leader ng Brgy. New Cabalan na si Bimbo Manarang, natuklasan ang mga bomba habang naghuhukay ang ilang construction workers sa lugar nitong Lunes ng umaga.


Agad namang ipinagbigay-alam sa pulisya ang insidente para sa beripikasyon at pagsusuri.


Sa inisyal na impormasyon, iba’t ibang uri ng lumang kagamitang pampasabog ang nahukay, subalit hindi pa matiyak sa ngayon ang eksaktong uri, kondisyon, at kung aktibo pa ang mga ito.


Dahil sa posibleng panganib, kinordonan pansamantala ang paligid at itinigil ang operasyon ng konstruksyon habang masusing sinusuri ng mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) ang mga bomba.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page