top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Mga bebot na dapat ligawan ng binatang sawi sa pag-ibig

BULGAR
Jan 15, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | Enero 15, 2023

Dear Maestro,


May textmate akong babae at minahal ko siya. Noong una, buong akala ko ay ako lang ang ka-text niya, kaya nang maging kami ay minahal ko siya. Noong magkita kami, lalo kaming nagmahalan sa isa’t isa, ngunit kamakailan ay natuklasan ko na marami pala siyang boyfriend dahil bukod sa akin ay nakikipag-eyeball din siya ibang lalaki.


Sa madaling salita, niloloko niya lang pala ako dahil marami siyang boyfriend. Tama ba ang pasya kong putulin na ang pakikipagrelasyon sa babaeng ito na masasabi kong sobrang playgirl? Kung makikipag-break ako sa kanya, kailan ako magkakaroon ng seryoso at totohanang girlfriend na tulad ko ay magiging tapat din sa pag-ibig niya sa akin? May 16, 2001 ang birthday ko.


Umaasa,

Wendel ng Sulucan, Angat, Bulacan


Dear Wendel,


Hindi natin nilalahat, pero ang ilang babae, lalo na ang mga may birth date na 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, at 31, ay medyo mapaglaro sa pag-ibig. Kaya kung may pagkatanga ka sa pag-ibig, ‘yun ang mangyayari sa iyo — hindi mo alam na ginu-good time ka na pala ng nasabing mga babae.


Kahit hindi mo inilagay ang kumpletong birthday ng babaeng sinasabi mo, maaaring pumatak ang bitbit niyang numero sa petsang 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, o 31.


Kaya wala kang magagawa, Wendel, tapos at nangyari nang nainlab ka sa nasabing babae at ‘yan ang napala mo — naloko ka.


Gayunman, sa susunod, kung sakaling makikipaglandian ka ulit, humanap ka ng mga babaeng may birth date na 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 3, 12, 21, at 30, bagama’t minsan ay malandi rin sila, masasabing may “pure heart” naman sila. Kumbaga, hindi basta-basta nag-e-entertain ng mga lalaki, sa halip, sila ang mga tipo ng babae na nagmamahal ng isang tao sa iisang panahon. ‘Ika nga, one man at a time at hindi tulad ng mga babae na may mga birth date na 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22, at 31. Minsan ay nagagawa nilang pagsabay-sabayin ang mga lalaki sa kanilang buhay at minsan, papalit-palit talaga sila ng mamahalin dahil para sa kanila, hindi ang sinseridad ang mahalaga kundi sila ay maging maligaya o masaya.


Huwag ka nang malungkot sa nangyari sa iyong karanasan dahil kung ikaw ay may dalisay ding puso, ibig sabihin ay tapat at seryoso talagang magmahal, sa bandang huli, isang babaeng tulad mo ang ipagkakaloob sa iyo ng kapalaran. Makakasalubong mo siya sa daan, hanggang sa dumating ang punto na makabuo kayo ng maligaya at panghabambuhay na pag-iibigan, na nakatakdang mangyari sa susunod na taong 2024 at sa edad mong 23 pataas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page