Mga bangko, oks sa zero transfer fee — BSP
- BULGAR

- 10 hours ago
- 1 min read
by Mervin Reyes @News | July 5, 2026

Photo: File
Inihayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr. na mas marami pang bangko ang inaasahang mag-aalis ng bayad sa money transfers sa mga susunod na araw upang higit na mahikayat ang paggamit ng digital payments.
Ayon kay Remolona, maaaring sumunod ang iba pang bangko "in about two days," kasunod ng pag-anunsyo ng BPI at RCBC ng libreng fund transfers sa ibang bangko at e-wallet gamit ang kanilang mobile applications.
Nauna ring nagpatupad ang Landbank ng limitadong libreng fund transfers bawat araw.
“Kung marami kasama, mas maganda, ’di ba? So, dapat ang entry fee mababa, kung puwedeng zero, mabuti,” dagdag niya.
Hindi naman pinangalanan ng BSP chief ang iba pang mga bangkong magpapatupad ng zero o mas mababang transfer fee, ngunit sinabi niyang inaasahan niyang marami pa ang susunod.
Nauna ring sinabi ni Finance Secretary Frederick Go na mahalagang mapababa o tuluyang maalis ang bank transfer fees upang maisulong ang financial inclusion sa bansa.





Comments