Search
  • BULGAR

Mga bading na nagprotesta, inaresto…VICE GANDA, NAGPASAKLOLO KAY MAYOR ISKO, DINEDMA LANG!

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 28, 2020




Bilang miyembro ng LGBTQIA+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, asexual) community, umapela at nanawagan ang It's Showtime host na si Vice Ganda kay Manila Mayor Isko Moreno kaugnay ng pag-aresto sa 20 miyembro ng LGBTQIA community na nagprotesta sa Mendiola nu'ng Biyernes (June 26).


Nagprotesta ang grupo para tutulan ang pag-phase out sa mga lumang dyip at ang pagsulong sa Anti-Terrorism Bill sa Kamara.


Sa 20 dinampot ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD), 10 ang miyembro ng LGBTQIA rights group na Bahaghari. Walo ang nagmula sa iba pang progressive groups na kaalyado ng Bahaghari at ang dalawa pa ay parehong driver ng mga sasakyang naghatid sa mga nag-rally patungong Mendiola.


Nanawagan si Vice kay Mayor Isko para malinawan kung bakit hinuli ang mga raliyista gayung wala namang nilalabag na batas o kautusan, lalo't sa video footage na kumalat sa socmed, hindi masagot ng mga pulis ang tanong ng mga nag-rally kung ano'ng basehan ng pagdakip sa kanila.


Ang sagot lang ng mga pulis, wala raw permit sa Manila City Hall ang ginawang mass gathering.


Tweet ni Vice: “Anu tooooooooo????? Paki-explain po? Saklolo naman po d'yan Yorme!!!! Sa aking pagkakaalam, LGBTQIA+ friendly ang Maynila at si Yorme. Beke nemeenn!!!”

Nang walang maging reaksiyon si Mayor Isko, inulit ni Vice ang panawagan at itinag na ang alkalde.


“Saklolo Yorme @IskoMoreno!!!!” tweet uli ni Vice.


Lumipas ang gabi, wala pa ring tugon si Mayor Isko.


Sa panayam ng media kay Rey Salinas, tagapagsalita ng Bahaghari, sinabi niyang nais lang maglabas ng saloobin ng LGBTQIA community sa ilang usapin at ginawa nila ito sa taunang Pride March ngayong June.


Hiling ng Bahaghari ang pagkakapantay-pantay ng karapatan sa ayuda at libreng mass testing ngayong may Coronavirus pandemic, bukod nga sa pagtutol nila sa pag-phase out sa mga lumang dyip at usapin ng Anti-Terror Bill.


Samantala, kasabay ng apela ni Vice Ganda kay Mayor Isko, ipinost din ni Catriona sa Instagram at Twitter nitong Biyernes ang pagkondena niya sa nangyari. 'Yun na raw ba ang “new normal” na sasapitin ng sinumang nagpapahayag ng saloobin tungkol sa mga nangyayari sa bansa?


Saad sa post ni Catriona: “Is this the new normal? [broken heart emoji]

“Earlier today a peaceful #PRIDE rally held in Manila where mask wearing participants practicing social distancing were met by police in riot gear and arrested.

“When questioned by the witnesses and media about the reason or violations for arrest, the police gave no response.”


Giit ng Miss Universe 2018, kung sumunod naman sa health protocols ang mga raliyista, bakit kailangang maging marahas ang mga pulis sa mga ito?


Kinuwestiyon din ni Catriona ang aniya’y kabiguan ng mga awtoridad na ipaalam sa mga nag-rally ang dahilan kung bakit sila inaresto.


Hindi rin daw ipinaalala sa mga dinakip ang kanilang mga karapatan. Malinaw daw itong napanood sa kumalat na video ng pag-aresto.


Iginiit din ni Catriona na karapatan ng lahat ng Pilipino ang magpahayag ng saloobin tungkol sa kanyang bayan.


Protesta ang diwa ng Pride March kahit noon pa, ayon kay Catriona.


“We have the right to raise our voice. Now is the time to speak up. #FREEPRIDE20 #PRIDE2020 dagdag pa niya.


Sa pahayag sa media, sinabi ng MPD na inaresto ang 20 nakibahagi sa Pride March dahil sa illegal assembly na paglabag sa Batas Pambansa Blg. 880 o Public Assembly Act.


Nagkaroon din daw ng non-cooperation at paglabag sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act ang mga raliyista.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.