top of page
Search
  • BULGAR

Mga babala sa bebot na may bf, alamin!

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 31, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Norma ng Quezon City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagsusuklay ako ng aking buhok nang aking mapansin ang kulay puti sa aking buhok. Samantalang ‘yung kabilang side naman ay gusut-gusot at ang hirap suklayin.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Norma


Sa iyo, Norma,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagsusuklay ka ng buhok, ay mayroong ibang nagugustuhan ang iyong dyowa. Ibang babae ang laman ng kanyang isip lalo na sa gabi bago siya matulog.


Ang napansin mo na kulay puti na ibang hibla ng iyong buhok, ay senyales na makakaramdam ka ng kabiguan sa pag-ibig. Hindi ka na magiging masaya sa kasalukuyan mong karelasyon.


Samantala, ang hirap kang suklayin ang iyong buhok, ay babala na malalagay ka sa gulo dahil sa sobrang kadaldalan mo. Iwasan mong makipag-tsismisan. Itikom mo ang iyong bibig kung wala ka rin lang sasabihing maganda sa iyong kapwa.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page