top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mga asungot ni Bongbong sa Switzerland, pangalanan!

BULGAR
Jan 19, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Enero 19, 2023


DAPAT PANGALANAN NG MALACAÑANG ANG MGA DELEGADONG SUMAMA SA BIYAHE NI P-BBM SA SWITZERLAND—Dapat isapubliko ang mga pangalan ng mga "delegado" na sumama kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa biyahe at pagdalo nito sa World Economic Forum sa Switzerland.


Mula sa kaban ng bayan ang ginamit nilang panggastos sa biyahe, kaya't may karapatan ang mamamayan na malaman kung sinu-sino ang mga delegado na 'yan.


◘◘◘


ANG LAKI NG CONFIDENTIAL FUNDS NINA P-BBM AT VP SARA, PERO HINDI NILA NA-MONITOR ANG MGA KAPITALISTANG NAG-OVERPRICE SA PRESYO NG SIBUYAS—Na-shock ang mga magsasaka sa Occidental Mindoro, na ang ani nilang sibuyas na binili sa kanila ng mga kapitalista sa presyong P8 hanggang P15 ay ibinenta sa Metro Manila sa halagang P500 hanggang P700 per kilo.


Hay naku, ang laki-laki ng confidential at intelligence funds nina P-BBM at Vice-Pres. Sara Duterte-Carpio, pero hindi nila na-monitor na may mga kapitalista na palang nagsasamantala sa overpriced ng sibuyas.


◘◘◘


MAS OKAY IBALIK SA MERKADO ANG NFA RICE KAYSA SA KADIWA RICE—Mas mainam ang NFA rice kaysa sa Kadiwa rice.


Kapag naibalik sa merkado ang NFA rice, lahat ng pamilihan sa bansa ay magkakaroon ulit ng NFA rice sa presyong P27 hanggang P32 per kilo, pero ang Kadiwa rice na P25 per kilo nga ang presyo, ang problema'y sa mangilan-ngilang Kadiwa store lang ito mabibili.


◘◘◘


KORTE LANG ANG MAGDETERMINA KUNG MAY SALA ANG TAO, HINDI SI ABALOS AT ANG KANYANG 5-MAN PANEL—Ayon kay PNP Chief, Gen. Rodolfo Azurin, 24 police officials na lang na may ranggong heneral at colonel ang hindi pa nagpa-file ng courtesy resignation, bilang pagsunod sa panawagan ni Sec. Benhur Abalos, na magsipag-resign ang lahat ng police generals at colonels para tanggalin sa serbisyo ng binuo niyang 5-man panel ang mga sangkot sa droga at manatili sa puwesto ang mga may good records.


Sa totoo lang, tama ang ginawa ng 24 police officials, korte lang ang puwedeng magdetermina kung may pagkakasala ang sinumang tao at hindi si Abalos at ang 5-man panel na binuo nito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page