top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga artistang ‘adik’, tiyak na kabado na sa ikinanta na ng bigtime na drug supplier

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 3, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Marso 3, 2024


KABADO NA ANG MGA ARTISTANG ‘ADIK’ -- Ikinanta sa National Bureau of Investigation (NBI) ng naarestong bigtime drug supplier ang pangalan ng mga artistang adik umano na kanyang parokyano sa ibinebenta niyang mga cocaine at ecstasy.


Dahil d’yan, tiyak kakaba-kaba na ang mga ‘adik’ na artista kasi tiyak sila na ang next target ng NBI, abangan!

◘◘◘


SEN. PIA CAYETANO, NADADALAS MAG-RANK 12 SA SURVEY KAYA TAGILID SA TOP 12 SA 2025 SENATORIAL ELECTION -- Sa inilabas na survey ng Publishers Association of the Philippines Inc. (PAPI) nitong nakalipas na March 1, 2024 ay rank No. 12 si re-electionist Sen. Pia Cayetano.


Maging sa survey ng Publicus Asia noong Jan. 3, 2024 ay rank No. 12 din si Sen. Pia.


Dahil d’yan, may posibilidad na malaglag si Sen. Pia sa top 12 senatoriables sa May 2025 election, at maaaring ang dahilan kaya tumatagilid siya sa ranking ay dahil hindi ramdam ng mga kababaihan ang slogan niyang “boses daw siya ng mga kababaihan sa Senado” kasi maraming isyung pambabastos sa kababaihan noong panahon ng Duterte administration, pero “nganga” lang siya, hindi niya magawang maipagtanggol ang mga kababaihang binabastos, boom!


◘◘◘


KUNG NAIS NI SP ZUBIRI NA MAKATIPID ANG GOBYERNO, SABIHAN NIYA ANG MGA SEN. AT CONG. NA SUNDIN ANG UTOS NG SC NA SILANG MGA MAMBABATAS, BAWAL NANG MAGPAGAWA NG MGA PROJECT -- Maging si Senate President Migz Zubiri ay nais isabay ang plebisito ng Charter change (Cha-cha) sa 2025 midterm elections para raw makatipid sa gastos ang pamahalaan.


Kung gusto talaga ni SP Zubiri na makatipid sa gastos ang gobyerno, dapat sabihan niya ang mga senador at maging ang mga kongresista na sundin ang utos ng Supreme Court (SC) na silang mga mambabatas ay bawal nang magpagawa ng mga project dahil ang mandato lang nila ay gumawa ng mga panukalang batas, at kaya naglabas ng ganitong desisyon ang SC kasi nabulgar noon ang pork barrel scam ni pork barrel queen Janet Napoles na kinasangkutan ng mga sen. at cong., period!

◘◘◘


HEARINGS SA SENADO AT KAMARA MALAMANG ISNABIN NI PASTOR QUIBOLOY KASI NGA RAW, ‘APPOINTED SON OF GOD’ SIYA -- Sa kanyang latest statement ay nanindigan si Pastor Apollo Quiboloy na siya raw ay “appointed son of God”.


Tila iisnabin talaga ni Pastor Quiboloy ang subpoena sa kanya ng Senado at Kamara para dumalo sa hearings tungkol sa sexual abuse sa mga babaeng member ng kanyang sekta at mga paglabag sa prangkisa ng SMNI network, kasi nga “appointed son of God” daw siya, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page