top of page

Mga artista, kaya 50% na lang ang TF…P35 M, NAWAWALA SA ABS-CBN ARAW-ARAW MULA NANG MAGSARA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 28, 2020
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 28, 2020




Pinasalamatan ni Ms. Cory Vidanes, chief operating officer ng ABS-CBN, ang mga artista nilang pumayag magbawas ng talent fee (20% to 50%) para sa ongoing at upcoming projects nila.

Ayon kay Ms. Cory, “Nagpapasalamat kami sa lahat ng aming mga artista para sa pang-unawa at suporta na ibinibigay nila sa network lalo na ngayong may hinaharap itong pagsubok.


“Nakikita namin ang dedikasyon at kagustuhan nilang magbigay ng saya at ginhawa sa aming mga manonood sa kabila ng pandemya at pagkawala namin sa ere.”


Inamin naman ito ng mga nakakausap naming taga-Kapamilya Network na malaki talaga at umaabot sa P35 M kada araw ang nawawala sa kanila simula nang ipatigil ng NTC ang pag-ere ng ABS-CBN.


At lalong nadagdagan pa ang gastos nila sa pagbabalik-taping at live shows ng mga programang Magandang Buhay, ASAP, It’s Showtime at iba pa, bukod pa sa taping ng mga serye nilang FPJ’s Ang Probinsyano, Love Thy Woman, A Soldier's Heart, at bukod din sa bago nilang documentary show na Iba ‘Yan at Paano Kita Mapasasalamatan.


Kamakailan ay naglabas naman ang samahan ng mga talent managers na PAMI na suportado nila ang ABS-CBN at nagbaba rin sila ng talent fee ng mga alaga nilang nagtatrabaho sa Kapamilya Network.


Say ni Ms. June Rufino, “In good times, ABS-CBN has been with us. In bad times, we want to be there for them. Ngayon, alam nila, wala ang ABS-CBN, naiintindihan nila 'yun. We want to cooperate. We want to help ABS-CBN in whatever way we can and taking a pay cut is one way to do that.


“ABS-CBN has always been in the service of the Filipino. Kapag may calamities, 'yung ABS-CBN ang nauunang tumulong. Now, it’s time for us to pay it forward.”


Say pa ni Ms. Cory, “Patuloy kaming maglilingkod sa mga Pilipino sa pamamagitan ng Kapamilya Channel sa cable, satellite TV, at iWant.”


As of now ay wala pang inaanunsiyo ang ABS-CBN management tungkol sa resulta ng negosasyon nila with Cignal kung saan napabalitang doon ipapalabas ang lahat ng programa ng Kapamilya Channel.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page