Mga armas, pampasabog na nakuha sa bahay ni Cong. Teves, 'planted' — Atty. Topacio
ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 13, 2023

Naniniwala si Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Cong. Arnolfo 'Arnie' Teves, Jr., na 'planted' o itinanim lang sa loob ng bahay ng mambabatas ang mga nasabat na malalakas na armas at pampasabog.
“The latest was three days ago. Ako personal nag-surrender nu'ng tatlong firearms sa residence niya in Quezon City doon sa nearest precinct as provided for by the guidelines sa pag-own and possess ng firearms,” paglalahad ni Topacio sa Pandesal Forum sa Kamuning Bakery Cafe.
“Ikaw ba naman, hindi ka mangmang na tao, alam mo na re-raidin 'yung mga bahay mo, mag-iiwan ka ba ng katakot-takot na firearms and explosives? 'Di ba?” dagdag ni Topacio.
Dagdag pa ni Atty. Edward Santiago, “Highly irregular ‘yung clearing team, bago po nila in-implement ‘yung search (sa Bayawan). Pinagbawalan po lahat ng tao ni Cong. Teves, pinalabas ng bahay. Ini-cordone po sila isang lugar lamang. May ebidensya po kami na ‘yung clearing team, isang oras na walang kasama. Walang media, walang Bgy. Officials.”
Samantala, nilinaw din ng legal team ni Cong. Teves na hindi ito tumakas at handa namang harapin ang mga alegasyon.
"Cong. Arnie did not flee, and the incident happened, he was already outside the country. What preventing Cong. Arnie from returning is basically his security of safety.
Hundred percent willing to come back (siya) pero concern sa security,” paliwanag ni Atty. Toby Diokno.
Una nang itinuro si Cong. Teves ng mga dating sundalong suspek na nag-utos umano para patayin si Governor Roel Degamo.
Matatandaang Marso 4 nang pasukin ang bahay ni Degamo at pagbabarilin na ikinasawi ng walong iba pa.
Umapela naman ang mga abogado ng kongresista sa patas na imbestigasyon, na tingnan lahat ng anggulo at huwag lamang umanong tumingin sa pulitika at kay Cong. Teves.





Comments