Mga armas ni VP Sara, dapat ideklara sa SALN — Prosekusyon

by BRO @News | September 29, 2026

Photo: File / Wendell D. Alinea - Senate Social Media Unit
Ipinagtanggol ng lead prosecutor na si Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang pagharap sa impeachment trial ng records ng mga baril ni VP Sara Duterte.
Ayon kay Luistro, bahagi ng personal assets ng isang opisyal ang mga baril kaya dapat itong ideklara sa SALN.
Iginiit naman ng depensa na ang 2025 SALN guidelines na nag-aatas na ideklara ang firearms ay para lamang sa mga SALN na ihahain simula 2026.
Sinabi ng prosecution na mahalaga pa rin ang records ng mga baril sa pagsusuri sa umano’y unexplained wealth ni Duterte.





Comments