top of page
WINNER - KATHRYN AT KAILA, PINAGSASABONG NG “TEAM SAKANG” AT “TEAM NOO”-IG _bernardokath &

7 sasakyan nagkarambola, 3 nadale

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

by Mervin Reyes @News | September 29, 2026



Sasakyan nagkarambola sa Roxas Blvd. - Circulated

Photo: Circulated



Tatlo ang sugatan matapos magkarambola ang pitong sasakyan sa northbound lane ng Roxas Boulevard, malapit sa Pedro Gil sa Ermita, Maynila, Linggo ng gabi.


Ayon sa Manila Police District-District Traffic Enforcement Unit, nangyari ang insidente alas-10:30 ng gabi.


Kabilang sa mga sangkot ang dalawang motorsiklo, dalawang SUV, L300 van, e-taxi at wing van truck.


Sa paunang imbestigasyon, huminto sa stoplight ng Pedro Gil ang dalawang motor, ngunit hindi umano napansin ng mga sasakyang nasa likuran ang traffic signal.


Unang bumangga ang isang SUV sa dalawang motorsiklo, na sinundan ng sunud-sunod na banggaan hanggang sa madamay ang pitong sasakyan.


Ayon sa pahinante ng truck, biglang nag-red light ang signal kaya hindi agad nakapagpreno ang kanilang sasakyan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page