top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga ahensya ng gobyerno, dapat Joint Forces vs. Sugal na pino-promote ng vloggers

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 12, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | April 12, 2023



BAD ANG MGA INFLUENCERS AT VLOGGERS NA NANGHIHIKAYAT SA KANILANG FOLLOWERS NA MAGSUGAL—May mga vloggers, kabilang ang magkapatid na Awit Gamer at Whamos Cruz ang nang-uunggoy sa kanilang followers na limpak-limpak na kuwarta ang napapanalunan nila sa online gambling na ‘PhlWin’. Hinihikayat ng mga ito ang kanilang followers na magsugal at tumaya sa ‘PhlWin’ kung nais din daw nilang manalo ng limpak-limpak na kuwarta.


Bakit natin nasabing inuunggoy nila ang kanilang followers? Kasi imposible ang sinasabi nilang daan-daang piso hanggang milyun-milyong piso ang napapanalunan nila sa online gambling na ito, dahil walang gambling lord na magpapatalo sa sugal. At sa totoo lang, walang nananalo sa sugal, maaaring papanalunin ka sa una, pero kalaunan ay talo at ubos ang pera ng mananaya.


Ganyan ka-bad ang mga vloggers na ito, imbes na hikayatin ang kanilang followers na gumawa ng mabuti, ineengganyo pa nilang magsugal. Mga buset!


◘◘◘


DAPAT SAMPAHAN NG KASO ANG MGA VLOGGERS NA NAGPO-PROMOTE NG ONLINE ILLEGAL GAMBLING—Ang online gambling na ‘PhlWin’ ay hindi rehistrado sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), na ang ibig sabihin ay illegal gambling ito.


Kaya dapat umaksyon na agad ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) tungkol sa online illegal gambling na ‘PhilWin’. Dapat ay sampahan na agad nila ng kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 1602 at Republic Act (RA) 9287 ang magkapatid na Awit Gamer at Whamos Cruz, at iba pang vloggers na nanghihikayat sa kanilang followers na tumaya sa ganitong uri ng online illegal gambling, period!


◘◘◘


MANTAKIN N’YO, MGA CONG. NA MAY PORK BARREL ANG BINIGYAN NG MATAAS NA RATING NG SWS—Binigyan ng Social Weather Stations (SWS) ng mataas na rating ang Kongreso.


Suwerte naman ng mga cong., kasi mantakin n’yo, may pork barrel na sila, tapos binigyan pa sila ng mataas na rating ng SWS. Boom!


◘◘◘


DAPAT MAY BATAS NA BABAYARAN NG IMMIGRATION AT CUSTOMS ANG GASTOS NG MGA PINOY TRAVELERS, OFWs AT BALIKBAYAN NA KANILANG PINIPERHUWISYO—Dapat gumawa ng batas ang Senado at Kongreso na sagutin o bayaran ng Bureau of Immigration (BI) ang ginastos sa plane ticket ng mga Pinoy travelers na hindi nila pinayagang lumabas ng bansa kahit kumpleto naman ang requirements. Gayundin, dapat sagutin at bayaran ng Bureau of Customs (BOC) ang mga walang ‘palamang’ ilegal sa bagahe o pasalubong ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at balikbayan na winawasak ng taga-Customs sa airport.


Kapag may ganyan nang batas, tiyak na magiging responsable sa kanilang trabaho ang mga taga-Immigration at Customs. Matitigil na ang pamemerhuwisyo nila sa ating mga kababayan na wala namang ginagawang masama, pero pineperhuwisyo nila sa airport, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page