Mga abusadong negosyante, sampolan!
@Editorial | October 19, 2022
Patuloy ang laban sa pandemya, kalamidad at krisis.
Kasabay nito, todo-kayod din tayo para makabangon ang ating kabuhayan, ang ekonomiya ng bansa.
Ang nakapanlulumo, sumasabay naman ang mga abusado.
Sa halip na mamuhay nang patas, nagagawa pang manlamang ng kapwa.
Katulad ng 51 negosyante na pinagpapaliwanag ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa pagtaas ng kanilang mga ibinebentang pangunahing bilihin sa mga nagdaang buwan.
Nabuko ng ahensya na mayroong pagtaas na 10 porsyento ang mga basic necessities and prime commodities.
Nakita rin ang inconsistent price tags at kung minsan ay walang mga price tags ang mga ibinebentang produkto.
Binigyan ang mga ito ng 48-oras para makapagpaliwanag sa DTI.
Kaya dapat na ipagpatuloy ang pag-iinspeksyon at tuluyan ang mga mahuhuli.
Bantay-sarado dapat ang mga negosyante. Tiyaking sumusunod sa ipinatutupad na suggested retail price (SRP).
Sa mga pasaway na negosyante, makonsensiya naman kayo. Lahat ay apektado ng pandemya at krisis, matito tayong lumaban ng patas.



Comments