top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Metro Manila, lubog pa rin sa baha, MMDA at DPWH, ‘anyare?

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 16, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | July 16, 2023


Ang pagbaha sa Metro Manila tuwing malakas ang pag-ulan ay maaaring normal na sa nakalipas na pitong taon, pahayag ng opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).


Ayon kay Engineer Mikunug Macud, DPWH-National Capital Region South Manila district engineer, target umano ng DPWH at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkaroon ng zero-flooding sa Metro Manila sa taong 2030.


Aniya, ang mga drainage sa Metro Manila ay luma na at kailangan nang ayusin o palitan.


Sinisi rin niya ang mga walang disiplinang Pilipino sa pagtatapon ng mga basura na bumabara sa drainage system, na nagreresulta sa pagbaha tuwing bumubuhos ang ulan.


Ang ilang lugar sa Metro Manila ay dumanas ng pagbaha na dulot ng low pressure area at monsoon rain noong Hulyo 13. Ang pagbaha sa corner ng Taft Avenue at United Nations Avenue sa Maynila ang naging dahilan kung bakit hindi makadaan ang mga light vehicle ng ilang oras.


Ang iba pang bahagi ng Metro Manila na nakaranas ng pagbaha ay ang Mandaluyong, San Juan, Navotas, Caloocan at Quezon City.


Ayon kay DPWH North Manila District Construction Division chief engineer Denryl Cortuna, ang ahensya ay nagtatayo ng retarding basin sa Estero de Valencia upang maalis ang pagbaha sa España Boulevard sa Maynila.


Ang mga retarding basin ay low-lying areas na nakalaan upang pansamantalang mag-imbak ng storm water sa panahon ng malakas na pag-ulan. Maraming basins ang grassy areas na nagbibigay ng recreational space sa komunidad kapag tagtuyot.


Sa totoo lang, taun-taon ay sinasabi na mayroong pondo para sa drainage rehabilitation pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari.


Masyadong matagal kung sa 2030 pa masosolusyunan ang pagbaha sa Metro Manila. Sana, mas paagahin pa ang pagresolba sa problemang ito upang wala nang napeperhuwisyo tuwing umuulan.


Panawagan naman sa mamamayan, iwasan na natin ang pagtatapon ng basura kung saan-saan dahil nagiging mitsa ito ng pagbabara sa mga kanal dahilan para bumaha.


Magkaroon sana tayo ng disiplina sa ating mga sarili dahil tayo rin ang mahihirapan.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page