Metro Manila at ilang kalapit-probinsiya magiging maulan dahil sa LPA
- BULGAR

- Oct 9, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | October 9, 2020

Inaasahan na magiging maulan ngayong Biyernes ayon sa PAGASA dahil sa Low Pressure Area (LPA) at habagat na nakita sa Palawan.
Ayon kay PAGASA weather specialist Loriedin dela Cruz, unang namataan ang LPA sa 310 kilometeres west-northwest ng Coron, Palawan.
Dadag pa ni dela Cruz, ang LPA ay magiging bagyo sa mga susunod na araw ngunit nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility.
Kaya naman, asahan na magiging maulan ngayong araw sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga.
Samantala, naka-monitor ang PAGASA sa bagyong Chan-hon na huling namataan sa 1,585 kilometers northeast ng Basco, Batanes.





Comments