top of page
Search
  • BULGAR

Metal Sheep, dapat i-express ang anumang nararamdaman at ‘di dapat sarilihin

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | July 21, 2020


Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa bawat animal sign ngayong 2020, talakayin naman natin ang ugali at magiging kapalaran ng Sheep o Tupa ngayong Year of the Metal Rat. Ang Sheep o Tupa ay tinatawag ding Goat o Kambing.

Alalahaning ang Sheep o Tupa ay nahahati sa limang uri, batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:

  • Metal Sheep o Bakal na Tupa - silang mga isinilang noong 1931 at 1991

  • Water Sheep o Tubig na Tupa - silang mga isinilang noong 1943 at 2003

  • Wood Sheep o Kahoy na Tupa - silang mga isinilang noong 1955 at 2015

  • Fire Sheep o Apoy na Tupa - silang mga isinilang noong 1967

  • Earth Sheep o Lupa na Tupa - silang mga isinilang noong 1979 at 1939

Sa pagkakatong ito, ang tatalakayin natin ay ang magiging kapalaran ng Metal Sheep o ang Bakal na Tupa.


Bagama’t ikaw ay may pagka-ambisyosa at kabaitan, bakas din sa iyong pagmumukha at pagkatao ang pagiging masipag sa trabaho. ‘Yun nga lang, minsan ay lagi kang parang aburido at mainit ang ulo, kaya kaunting mali lang ng iyong mga kasama, hindi mo maiwasan na nakasungit o nakasigaw agad. Napagkakamalan tuloy na masungit ka, kahit sa totoo lang ay hindi naman dahil likas sa iyo ang pagiging mabait at humble.


Ngayong 2020, magkakaroon ka ng bagong simula at ito ay maaaring patungo sa pag-unlad o pagkalas sa mga dati nang nakaugalian at nakasanayan.


Kung magiging maunlad o negatibo ang pagbabagong magaganap, ito ay matutuklasan sa magiging suporta sa iyo ng malalaki at kinikilalang tao. Sabi nga, mahalaga ang mga may kaibigan at sumusuporta dahil sa pagabagong magaganap sa iyo mula ngayong 2020 hanggang 2021 kung saan nakasalalay ang iyong tagumpay at pagwawagi ay kung gaano katapat at katotoo ang mga sumusuporta at nakapaligid sa iyo.


Sa kabila ng mga nakagugulat na pagbabago, may malalaking halaga naman ng salapi na biglaang darating sa iyo, ‘wag na ‘wag kang magkakamali na lustayin o ubusin ito agad dahil sa malaking salaping ito nakasalalay ang future ng career, negosyo o pamilya mo. Kaya dapat tulad ng nasabi na, ingatan mong mabuti ang gaanumang kalaking halaga na mahahawakan mo ngayon hanggang sa 2021.


Sa pag-ibig, kung mananatili kang kimi, mahiyain at tahimik, hindi ka gaanong magiging maligaya sa iyong love life. Kaya kung may asawa o karelasyon ka man o wala, naghahanap ng makakataling puso at makakasama habambuhay, isa lang ang dapat mong ugaliin ngayong 2020 hanggang 2021. Una, dapat na maging assertive ka, ibig sabihin, tiyak sa iyong sarili at walang pagdadalawang-isip.


Pangalawa, dapat maging showy ka, kumbaga, ‘wag mong itatago ang iyong damdamin. Sa halip, kung ikaw ay malungkot, i-express o ibulalas mo ito kahit ikaw ay nag-iisa sa iyong silid, pero mas maganda kung ikukuwento mo ang iyong kalungkutan at kadramahan sa buhay sa isang matalik na kaibigan. ‘Wag na ‘wag mong sasarilihin ang mabibigat na problemang dumarating sa iyo dahil kapag sinarili mo lang ito, lalong papalpak ang iyong desisyon at pagpapasaya. Pang-huli, kung mahal mo ang isang tao, i-express mo at ‘wag mong itago ang iyong damdamin. Sa ganyang paraan, matutugunan ng isa pang pagmamahal ang inukol mong pag-ibig sa iyong kapwa. Dahil sa isiniwalat na pag-ibig na ito, hindi lang sa pag-ibig at pakikipagrelasyon ka magiging maligaya kundi sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.


Tandaan ding ngayong 2020 hanggang 2021, kapag masaya ka, i-express mo ito at i-share sa iyong kapwa, upang ang ligayang ito ay madama ng mas nakararami, lalo na ng iyong pamilya at mahal sa buhay.

Itutuloy

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page