top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Meralco, magtataas na naman ng singil sa kuryente

BULGAR
Nov 10, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 10, 2022


DIGONG, ABSUWELTO AGAD SA DOJ KAHIT HINDI PA NAIIMBESTIGAHAN—Matapos magpahayag ang pamilya ni Percival "Ka Percy Lapid" Mabasa na hindi sila kumbinsido na si suspended BuCor Director General Gerald Bantag lang ang mastermind sa pagpatay kay "Ka Percy" ay lumutang ang pangalan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na isa sa mga utak sa krimen dahil bukod sa ang dating pangulo ang nag-appoint kay Bantag sa BuCor ay madalas din atakehin ng broadcast journalist si ex-P-Duterte.


At dahil nasasangkot na sa kaso si ex-P-Duterte, agad siyang dinepensahan ni Justice Sec. Crispin Remulla, na nagsasabing hindi sangkot ang dating pangulo sa assassination kay "Ka Percy".


'Yan ang hindi kagandahan sa bansa, hindi pa nga naiimbestigahan kung may kinalaman ang dating pangulo, eh, inabsuwelto agad.


◘◘◘


SINGIL SA KURYENTE NEXT SA TAAS-PRESYO NG MGA BILIHIN—Kinumpirma ng Meralco na ngayong Nobyembre 2022 ay magtataas sila ng singil sa konsumo ng kuryente at puwede pa madagdagan sa mga susunod pang buwan dahil sa generation charge na ipapataw sa mga konsyumer.


Doble-dagok sa pamumuhay ng mga Pinoy ang inanunsyo ng Meralco kasi sobrang taas na ang presyo ng mga bilihin, tapos tataas pa ang bayarin sa kuryente.


◘◘◘


P20 PER KILO NG BIGAS ANG GUSTO NG MGA PINOY, HINDI KAMOTE—May mga mambabatas na nagmungkahi sa Department of Agriculture na pag-ibayuhin ang pagtatanim ng kamote bilang alternatibong pagkain ng mga Pinoy kung sakaling kapusin ng supply ng bigas ang bansa.


Pambihira, ang inaabangan ng mga Pilipino ay kung kailan sila makakabili ng P20 per kilo ng bigas na ipinangako noon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marco, Jr. tapos ang gustong ipakain ng mga mambabatas ay kamote.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page