top of page
Search

Menor-de-edad, ilayo sa yosi at vape

BULGAR

@Editorial | Marso 21, 2024


Dumarami na ang mga kabataang naninigarilyo at gumagamit ng vape. Para bang normal na para sa kanila ang bisyo.


Kaugnay nito, ayon sa  Philippine National Police (PNP), mahigit 8,600 menor-de-edad ang nahuling lumabag sa vaping at smoking laws mula Mayo hanggang Disyembre noong nakaraang taon.


Nilabag ng mga ito ang Executive Order 26 sa smoke-free environment at ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.


Sa isinagawang operasyon na 340,161, umabot sa 121,579 ang pasaway at 6,714 dito ay pawang mga menor-de-edad.


Sa 30,301 operasyon naman laban sa paglabag sa RA 11900 (the Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act), nasa 8,299 adult ang lumabag at 1,902 roon ay minor.


Pinagsabihan lamang ang mga naakusahang menor-de-edad dahil sa kanilang mga paglabag.


Sa rami ng mga minor na tumatangkilik sa yosi lalo na sa e-cigarettes, kailangang magdoble kayod ang gobyerno. Dapat na maipatupad ang mga batas sa paninigarilyo at vaping nang istrikto.


At higit sa mga otoridad, tayong mga magulang ang una at dapat ay mas nagpapaliwanag sa mga bata ng panganib na dulot ng paninigarilyo at hindi ‘yung tayo pa ang pasimuno.


Huwag nating hayaan na mahumaling sila sa bisyo na pagsisisihan nila at maglalagay pa sa kanilang kalusugan sa alanganin.

 



Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page