top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mega-bongga talaga, Sharon… MGA SAPATOS AT BAGS NI KC, MAY SARILING KUWARTO NA DE-AIRCON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 30, 2020
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 30, 2020




Nakakatuwa si KC Concepcion sa kanyang YouTube channel kung saan ipinakita ang collection niya ng designer bags. Sabi nito, “Hindi ako mamimigay ng bag, ipapakita ko lang dahil may mga nag-request.”


Kahit sinabi nitong hindi siya mamimigay, may mga humirit pa rin nang pabiro na kung magde-decide siyang mag-declutter, handa silang tumanggap. Hahaha!


Hanggang part three yata ang pagpi-feature ni KC ng kanyang bag collection. Ibig sabihin, ganu’n karami ang kanyang bags at sa napanood nga namin, sobrang dami ng bags ni KC.


Magkasama na for sure sa air-conditioned room ang bag collection ni KC at ang kanyang shoe collection na sobrang dami rin. Tanong nga ng isang netizen, naisuot kaya lahat ni KC ang mga sapatos at nagamit lahat ang bags? Kaya raw pala kapag nagpa-auction ito ng kanyang pre-loved items, sobrang dami rin at mapapansin na naka-specify na minsan lang niya nagamit o kaya’y hindi pa nagagamit.


Kuwento ni KC, nagsimula siyang mag-collect ng bags after she graduated in college at tinuruan siya ng mom niyang si Sharon Cuneta na mag-invest sa bags and shoes na kanyang sinunod.


Branded lahat ng bags at shoes ni KC tulad ng Gucci, Louis Vuitton at iba pang brand na comment ng isang netizen, kay KC lang niya narinig ang right pronunciation ng “French houses.” Saka, alam din ni KC ang history ng bawat bags, lalo na ang 2.55 bag.


May nag-react pa na dapat magkaanak si KC para may magmamana ng kanyang mga bags. ‘Wag na lang ang shoes dahil baka hindi sila magka-size ng kanyang magiging mga anak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page