Medical exams para FPRRD, ipinag-utos ng ICC
- BULGAR
- 17 hours ago
- 1 min read
by Info @News | October 18, 2025

Photo: FPRRD sa ICC
Ipinag-utos ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I na sumailalim sa medical examination si dating Pangulong Rodrigo Duterte upang matukoy kung ito ay “fit to stand trial” o nasa maayos na kalusugan para humarap sa mga paglilitis.
Inatasan ng Chamber ang Registry na magsagawa ng medikal na pagsusuri at isumite ang buong rekord ng dating Pangulo sa panel ng tatlong independent medical experts — isang forensic psychiatrist, neuropsychologist, at geriatric and behavioral neurologist.
Susuriin ng mga ito si Duterte kung dumaranas ito ng anumang kondisyong medikal na maaaring makaapekto sa kanyang paglahok sa nagpapatuloy na pre-trial phase at ang pagkumpirma ng mga kaso.
Inaasahan din silang magrekomenda ng anumang mga espesyal na hakbang na kailangan upang mapaunlakan ang kanyang posibleng kondisyon sa panahon ng paglilitis bilang bahagi ng "fair trial rights" para sa dating pinuno ng Pilipinas.
Itinakda naman ang paghahain ng joint o individual record sa Registry bago ang Oktubre 31.
Comments