top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Meat vendors at hog raisers, umaaray na

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 25, 2021
1 min read

@Editorial | February 25, 2021



Maraming meat vendors ang hindi kinaya ang price ceiling kaya napipilitang magtigil-benta o mag-‘pork holiday’.


Paano nga naman magtitinda kung walang maayos na supply ng baboy o kung meron man ay sobrang taas ng presyo, hindi na maipasa sa konsyumer sa itinatakdang price cap, malulugi pa? Kapos na sa pambayad sa puwesto, wala pang pasuweldo sa mga tauhan.


‘Yung iba talagang napilitan na lang magsara at humanap ng ibang paraan para may pantawid sa nabakanteng araw.


Kaugnay nito, humihirit ang National Federation of Hog Raisers na maglagay na lamang ng suggested retail price (SRP) sa mga presyo ng karneng baboy, na nakabatay sa supply and demand.


Kapag mayroon ng SRP ay maaari nang tanggalin ang price cap dahil tila kinokontrol umano ang nasabing presyo.


Nauna nang nagpataw ang gobyerno ng mula P270 hanggang P300 sa kada kilo ng karne ng baboy bilang price cap matapos na umabot ito sa mahigit P400 sa kada kilo ng baboy.


Gayunman, umaaray naman ang mga traders, retailers at maging mga konsyumer.


Kaya kailangan talagang magkaroon ng masinsinang pag-uusap sa pagitan ng mga ito at ng gobyerno upang masolusyunan ang problema bago pa lumala.


Kung may mas mainam na paraan na lahat ay hindi malalagay sa alanganin ay gawin na.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page