top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Meat at veggie smugglers, talupan sa taas-presyo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 5, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 5 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


PAGTAAS NG PRESYO NG KARNE NG BABOY AT GULAY, PATUNAY NA FAKE NEWS NA GUMAGANDA NA ANG PAMUMUHAY NG PINOY -- Matapos tumaas ang presyo ng karne ng baboy ay tumaas na rin ang presyo ng mga gulay sa bansa.


Grabe ang pagsirit ng presyo ng mga produktong pagkain na ito, halos doble ang increase.


Ang pagtaas ng presyo ng mga produktong pagkain ay dagdag-pahirap sa mamamayan, taliwas sa ibinibida ng Malacañang na gumaganda na raw ang pamumuhay ng mga Pinoy sa ilalim ng ‘Bagong Pilipinas’ ng Marcos administration.


Sa totoo lang kasi, kapag sinasabing gumaganda ang pamumuhay ng mamamayan ay dapat nagiging mura ang presyo ng mga bilihin, at hindi nagmamahal, boom!


XXX


DAPAT IMBESTIGAHAN ANG MGA SMUGGLER NA SINA ‘GERRY TEVES’ AT ‘LEAH CRUZ’ SA PAGTAAS NG PRESYO NG KARNE NG BABOY AT MGA GULAY -- Sa mga nakaraang imbestigasyon ng Senado at Kamara ay lumulutang ang mga pangalang “Gerry Teves” bilang number one meat smuggler at pangalang “Leah Cruz” bilang number one vegetable smuggler ng bansa.


Marahil, dapat ipatawag at imbestigahan uli ng Senado at Kamara sina “Gerry Teves” at “Leah Cruz” para malaman kung may kinalaman sila sa magkasunod na pagtaas ng presyo ng karne ng baboy at gulay sa ‘Pinas, period!


XXX


MAGANDA LANG SA PANDINIG ANG ‘NO-TAKE POLICY’ AT ‘WAR ON ILLEGAL GAMBLING’ NI GEN. PESPES, PERO WA’ ‘WENTA -- Nang maupo si Brig. Gen. Mark Pespes bilang district director ng Southern Police District Office (SPDO) ay agad siyang nagdeklara ng “no-take policy” at “war on illegal gambling” sa nasasakupan niyang southern part ng Metro Manila.


Ang direktibang ito ni Gen. Pespes ay maganda lang sa pandinig, pero maituturing na wa’ ‘wenta, kasi hanggang ngayon ay nagkalat ang raket na sakla ni "Walter" sa Muntinlupa City at jueteng, lotteng at bookies nina "Haruta," "Joy," "Onie," "Deck," "Ricky," "PJ," "Allan," "Toto" at "Josie" sa Pasay City, Taguig City, Parañaque City, Makati City, Las Piñas City at Pateros, boom!


XXX


FIXERS SA IMMIGRATION, DAPAT IPAHULI NI BI COMM. TANSINGCO -- May impormasyon na tuloy pa rin ang raket sa Immigration ng mga fixer na kilala sa mga alyas na "Betty" at "Ana."


Dapat ipaaresto ni Bureau of Immigration (BI) Norman Tansingco sina "Betty" at "Ana" kasi hangga’t hindi nakukulong ang dalawang ito ay hindi sila titigil sa kanilang raket sa Immigration, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page