top of page

Measles outbreak sa 2021 — DOH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 7, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | October 7, 2020





Posibleng magkaroon muli ng measles outbreak ang bansa sa taong 2021, ito ang inanunsiyo ng Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules.


Ngayong 2020, bumaba umano ang bilang ng kaso ng tigdas sa bansa sa 4,624, ngunit lumagpas sa epidemic threshold ang mga rehiyon tulad ng Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) at Caraga.


Bukod sa COVID-19 at tigdas, hindi pa rin umano nakokontrol ng DOH ang pamamahagi ng polio vaccine.


Ayon kay Wilda Silva, program manager ng DOH national immunization program, magsasagawa ng Measles, Rubella and Oral Polio Vaccine supplemental immunization activity (MR-OPV SIA) ang DOH upang maiwasan ang outbreak.


"This supplemental immunization activity, in the true sense of the word, is going to prevent the future outbreak. We don't want to respond to an outbreak but we want to prevent an outbreak," sabi ni Silva.


Inaasahan na magsisimula ang unang phase ng programa sa katapusan ng buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre sa ilang rehiyon sa Luzon at Mindanao. Habang ang ikalawang phase naman ay gagawin sa Pebrero, 2021.


Ito ay isasagawa sa isang modified site sa kani-kanilang barangay hall o gym para agad na makapunta ang mga residente kasama ang kanilang mga anak.


Matatandaang nagkaroon ng measles outbreak noong 2018 at umabot sa 21,000 ang bilang ng mga tinamaan nito. Bukod pa rito, kumalat din ito sa ibang bansa na napag-alamang nanggaling sa Pilipinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page