Mayor Vico Sotto nagpasikat vs. online gambling, ‘nganga’ sa STL-con jueteng
- BULGAR
- Dec 29, 2022
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | December 29, 2022
PASIG CITY MAYOR VICO SOTTO PINA-STOP ANG ONLINE GAMBLING, PERO ‘NGANGA’ SA STL-CON JUETENG—Pagsikat lang sa publiko ang inanunsyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto na hate niya ang mga pasugalan kaya ipina-stop ang online gambling sa lungsod.
Paano magiging ‘pasikat’? Hate niya ang sugal kaya pina-stop ang online gambling, pero wa’ epek naman siya sa sangkaterbang kubador ng raket na Small Town-Lottery (STL)-con jueteng nina “Kit” at “Egay”.
◘◘◘
DILG SEC. BENHUR ABALOS, DAPAT UMAKSYON VS. STL-CON JUETENG—Masyado ng malawak ang operasyon ng raket na STL-con jueteng nina “Kit” at “Egay” dahil bukod sa jurisdiction ni Pasig City Mayor Vico Sotto ay may mga kubrador din ang dalawang gambling lords sa lugar nina Marikina City Mayor Marcy Teodoro, Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at San Juan City Mayor Francis Zamora.
Pero ang matindi pa nito, ang illegal gambling operations ay umabot na sa teritoryo ni Gov. Rebecca Ynares sa Rizal.
Kung walang gagawing aksyon ang mga local officials laban sa raket nina “Kit” at “Egay”, marahil ang dapat umaksyon laban sa STL-con jueteng ay mismong si DILG Sec. Benhur Abalos.
◘◘◘
HINDI LANG ONLINE GAMBLING, NAGKALAT NA RIN ANG BOOKIES AT LOTTENG—Sa Maynila, hindi lang online gambling ang nagkalat, sapagkata sangkaterba na rin ang kubrador ng bookies at lotteng nina “Boy Abang” at “Lorna” sa lungsod.
Nakapagtataka kung bakit sa kabila na babae ang alkalde sa Maynila sa katauhan ni Mayora Honey Lacuna ay “nganga” ito sa mga ilegalista.





Comments