top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mayor Sara, suportado sa pagka-pangulo ng mga taga-China?! Huwaaaw!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 30, 2020
  • 1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 30, 2020



‘PORK BARREL’ NG MGA CONG., IPAPA-STOP NA?—Ayon kay P-Duterte ay handa siyang humarap sa Kongreso para mapag-usapan kung paano matitigil ang korupsiyon sa bansa.


Naku, malamang ay kakaba-kaba na ang mga kongresista kasi baka sa harap ng kanilang pagmumukha ay sabihan sila ng Pangulo na stop na ang kanilang “pork barrel” o pang-“projects”, boom!

◘◘◘

ANO’NG FEELING NG CHINA, PROVINCE NILA ANG ‘PINAS KAYA SUPORTADO NILA ANG KANDIDATURA NI MAYOR SARA?—Hindi lang ang DDS at military pages at groups ang tinanggal sa FB, kundi pati ang China-based FB accounts na nakasuporta sa kandidatura sa pagka-Pangulo ni Presidential daughter Sara Duterte-Carpio.


Feeling yata ng China ay province na nila ang Pilipinas kaya “mina-manok” nila ang anak ni P-Duterte sa 2022 Presidential election, pwe!

◘◘◘

SABI NG DSWD AY NABIGYAN NA NILA NG AYUDA ANG LAHAT NG MARALITA, PERO AYON SA SWS AY MARAMI ANG NAGUGUTOM—Sa latest survey ng SWS ay pumalo na sa 7.6 milyong Pinoy ang nakakaranas ng gutom sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.


Ang daming nagugutom, tapos sasabihin ni Sec. Rolando Bautista ng DSWD ay nabigyan na nila ng ayuda ang lahat ng mahihirap na Pinoy kaya’t ang sumobra na higit P10 bilyon sa SAP (Social Amelioration Program) funds ay ilalaan na lang nila sa livelihood project, buwisit

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page