top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mayayamang Cong., ang dapat mag-ambagan sa Maharlika Fund at ‘di ang taumbayan, period!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 18, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Pebrero 18, 2023


IMBES NA ISIPIN KUNG PAANO MABABAWI KINURAKOT SA PHILHEALTH, ANG POKUS NG MGA CONG. AY ILAGAY SA MIF ANG PHILHEALTH FUNDS—Bukod sa pera ng mga depositors sa Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP), nais din pala ng mga kongresistang kaalyado ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na ang pondo ng PhilHealth ay i-invest din sa Maharlika Investment Fund (MIF).


Pambihira naman, imbes na asikasuhin ng mga cong. Kung paano mababawi ang higit P15-B na kinurakot ng mga appointee ni ex-P-Duterte sa PhilHealth ay pinagdidiskitahan pang ilagay sa MIF ang PhilHealth funds. Pwe!


◘◘◘


SANA ANG MGA CONG. NA LANG MAG-AMBAGAN SA MAHARLIKA INVESMENT FUND—Sa totoo lang, makukuwarta ang karamihan sa mga cong., lalo na ‘yung may mga bilyun-bilyong pork barrel.


Kaya kung totoo ang sinasabi ng mga cong. na kikita ang pamahalaan sa MIF, sana silang mga kongresista na lang ang mag-ambagan sa investment fund na ‘yan at huwag nang pakialaman ang pera ng mga depositors sa LBP at DBP, period!


◘◘◘


TAGILID SI CONG. GARIN, KAYA BAKA MA-SWAK SIYA SA KULUNGAN SA KASONG DENGVAXIA—Sa pagdinig sa sala ni Judge Lily Ann Marcos-Padaen ng Quezon City Regional Trial Court (RTC), tinukoy ni Dr. Clarito Cairo, project manager ng Department of Health (DOH) Disease Control and Prevention, na si dating DOH Secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin ang nag-utos sa kanila na magsagawa ng mass anti-dengue vaccination na dahilan kaya maraming bata ang namatay.


Dahil sa statement na ‘yan ni Dr. Cairo, lalong nadiin sa kasong ito si Rep. Garin na maging dahilan para ma-swak siya sa kulungan. Abangan!


◘◘◘


LABAN NG ANI VS. ANTI-POLITICAL DYNASTY, SUNTOK SA BUWAN!—Nanawagan sa gobyerno ang Advocates for National Interest (ANI) na binubuo ng mga retired military, police generals at former gov’t officials na wakasan na ang anti-political dynasty sa Pilipinas dahil karamihan ng mga nakapuwestong opisyal ay magkakapamilya. Dahil dito, nawawala na ang check and balance sa pamahalaan na nagiging dahilan upang lumala ang korupsyon at kahirapan sa Pinas.


Sa totoo lang, suntok sa buwan ang panawagan ng ANI dahil para mapairal ang anti-political dynasty, kailangan ang approval ng senado at kongreso, eh karamihan sa mga Senador at Kongresista ay magkakamag-anak, tapos may mga kapamilya pa silang governor, vice gov., bokal, mayor, vice mayor at konsehal. At dahil d’yan ay malabong maipagbawal ang political dynasty sa ‘Pinas. Boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page