top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

May tigdas, pahiwatig na oks ang kalusugan

BULGAR
Oct 18, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 18, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lourdes ng Bataan.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na tinubuan ako ng tigdas. Uminom ako ng gamot, tapos ang pait ng gamot, pero ininom ko pa rin ito at pinilit kong lunukin.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lourdes

Sa iyo, Lourdes,


Kabaligtaran ang ibig sabihin ng tinubuan ka ng tigdas dahil ito ay nagpapahiwatig na maganda ang lagay ng kalusugan mo sa kasalukuyan. Maganda rin ang takbo ng negosyo mo at may suwerteng darating sa iyo nang hindi mo inaasahan.


Samantala, ang ibig sabihin ng uminom ka ng gamot, pinilit mong inumin ito kahit mapait ay makakaranas ka ng kaunting pagkainis sa mga nakapaligid sa iyo.


Makokonsumi ka sa mga ikinikilos nila, pero pansamantala lang ang pagkainis mo dahil lilipas din ito agad at mauunawaan mo ang sitwasyon.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page