top of page
TALKIES - CHARIZ, UMAMING MAY THIRD EY-IG _chariz_solomon.jpg

May tama ng bala sa ulo... Ina at edad 4 at 9 na mga anak, patay sa loob ng sasakyan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 11 hours ago
  • 2 min read

by Jeff Tumbado @News | August 22, 2026



May tama ng bala sa ulo... Ina at edad 4 at 9 na mga anak, patay sa loob ng sasakyan

Photo: Nakatanggap ng tawag bandang alas-2 ng hapon nitong Huwebes hinggil sa isang sasakyang matagal nang nakaparada sa lugar. Nang puntahan at suriin nila ang sasakyan, nakita nila sa loob ang mag-iina na wala nang buhay. (Circulated)



Natagpuang patay ang isang 31-anyos na ina at ang dalawa nitong anak na pawang may mga tama ng bala sa ulo habang nasa loob ng isang nakaparadang sasakyan sa isang liblib na lugar sa Brgy. Talacsan, San Rafael, Bulacan.


Batay sa paunang impormasyon ng pulisya, tatlong basyo ng bala mula sa 9mm na baril ang narekober sa crime scene.


Nakita rin sa loob ng sasakyan ang isang 9mm na handgun, ngunit patuloy pang inaalam ng mga imbestigador kung mula sa naturang baril ang mga basyo ng bala.

Iniulat na lisensyado ang baril at nakarehistro sa pangalan ng ina, na nagtatrabaho online para sa isang kumpanyang nakabase sa Estados Unidos.


Sinisiyasat din ng mga awtoridad ang kalagayan ng mga biktima bago ang insidente.

Kabilang sa tinitingnang anggulo ang impormasyon na nakaranas umano ng depresyon at problemang pinansiyal ang babae.


Gayunman, nilinaw ng pulisya na isa lamang ito sa mga anggulong kanilang sinusuri at wala pang nakukumpirmang motibo sa insidente.


Tinutukoy din ng mga awtoridad ang mga huling nakausap ng mga biktima at isasailalim sa imbestigasyon ang kanilang mga huling komunikasyon bago sila natagpuang patay.


Sa ngayon, sinabi ng pulisya na wala pa silang itinuturing na person of interest kaugnay ng insidente.


Ayon sa mga opisyal ng barangay, nakatanggap sila ng tawag bandang alas-2 ng hapon nitong Huwebes hinggil sa isang sasakyang matagal nang nakaparada sa lugar.

Nang puntahan at suriin nila ang sasakyan, nakita nila sa loob ang mag-iina na wala nang buhay.


Ang dalawang anak ay siyam at apat na taong gulang

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page