May pneumonia pa rin pero… Sen. Bong, umaayos na ang kondisyon
- BULGAR

- Aug 22, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 22, 2020

Kasalukuyan pa ring nakikipagbaka si Senator Ramon “Bong” Revilla laban sa pneumonia ngunit ayon sa misis niyang si Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla ay umaayos na ang kondisyon nito.
Post ni Mayor Lani sa kanyang Facebook account,
“Salamat po sa lahat ng inyong mga dasal.
Bumubuti ang lagay ng aking asawa. He still has pneumonia. He occasionally coughs when he talks and still needs to rest. Please continue to pray for him. He still has to continue taking his meds and antibiotics. Thanks to all of his doctors and nurses. Tuloy pa rin ang laban natin.
We (heart emoji) you Papa!!!”
Matatandaang inanunsiyo ni Sen. Bong na nagpositibo siya sa Covid-19 noong August 9 at matapos ng ilang linggo ay isinugod siya sa ospital dahil sa pneumonia.





Comments