top of page

May palabra de honor ka ba pagdating sa iyong pangako?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 10, 2021
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | March 10, 2021





Pagdating sa pagbibitaw ng pangako, marami ang patapos kung magsalita, pero ang resulta ay nagiging iba, mahirap uli kunin ang tiwala ng iba kung mawawala ang iyong palabra de honor. Heto ang ilang gabay kung paano manatiling totoo at nakatutupad sa iyong mga pangako sa mga kaibigan, pamilya at maging sa hindi mga kakilala. Matapos mong basahin ang artikulo na ito, malalaman mo na ang pagsasabi ng, ”madaling magsalita kaysa sa gawa” ay totoong nangyayari.


1. Praktising gawin kung ano ang mga pangako. Ang pinaka-pangkaraniwang pagkakamali ng tao ay iyong hindi pagtupad ng kanyang mga ipinangako. Kung ang kaibigan ay humingi ng tulong sa iyo na ayusin ang kanyang tahanan o kusina, huwag lang basta mangangako o magsasabi na, “oo walang problema, at ako ang bahala riyan.” Kung marami naman na nagsasabing, “Sure, susubukan ko at titingnan ko,” mas mainam na lagi na aktuwal na nakaplano ang lahat ng mga sagot at malinaw. Dapat talaga itong tutuparin kung umoo ka. Kung hindi mo matiyak sa iyong sarili na matutupad ito, dapat mo pa ring sipatin ang sarili kung magagawa ang ang sinasabi at maging sinsero sa susunod na mga gagawin sa buhay.

Ang pagpapakatotoo ang siyang pinakamahalaga, dapat maaga pa lang ay masabi mo na ang totoong mangyayari. Marami kasi ang mahilig mangako dahil ayaw din nila kasing mapahiya para sa ikaliligaya ng iba. Ang nangyayari, ang katapus-tapusang resulta ay simpleng nagiging siya ay tuluyang napako na sa kanyang mga pangako.

Tandaan na habang mas madalas na pangakuan ang mga kaibigan pero hindi natutupad sa inaasahan nilang okasyon, hindi man nila ito masabi sa’yo o mapaalala, at least naaalala nilang wala kang palabra de honor, hindi ka mapagkatiwalaan pa at ito ang tatatak sa kanilang isipan kaya dapat ireserba mo na ang iyong reputasyon sa uulitin.


2. Purihin ang sarili kapag nakatutupad kung sakali. Ilagay natin sa isipan na ang isa sa pinakamakapangyarihang instrumento upang manatiling masaya ang ibang tao ay ang makatulong. Walang ibang napakahalaga kundi ang kapakanan ng ibang tao. Talagang kinakailangan ito, marami ang nakakalimot sa linyang ito pagdating sa pagkuha sa simpatiya ng isang kaibigan. Kung tagumpay sa mga ikinikilos at ginagawa at kumpiyansa na ang kaibigan na maasahan ka sa anumang adhikain o pangako ito na rin ang simpleng hihikayat sa kanya na isa kang taong dapat pagtiwalaan dahil totoong tumutupad ka sa iyong pangako. Pero paano ka magiging kakaiba? Basta’t isaisip lang na kapag tutulong, makikita mong lagi silang tumatanaw ng utang na loob sa iyo kahit hindi mo ito napapansin.


3. Manatiling nakakonsentra. Kapag may humingi sa iyo ng pabor na hindi mo natupad, palagian, uulitin ko na maging matulungin ka sa susunod na muling hingan ka ng pabor. Kaysa ang simpleng hindi tuparin ito basta na lamang, bakit sasabihin pang, “Hindi hindi ko magagawa iyan para sa iyo, pero mas tamang sabihin na, ‘Alam mo bang, busy kasi ako sa panahon ngayon, PERO….” (Saka mo isunod ang katagang magkakaroon ka ng tsansa na baka matugunan mo pa ang kanilang kailangan.) Halimbawa: “Busy ako, PERO paano kung kinabukasan na lang natin itakda ang pag-aayos?” Sa paraang ito, at least mabibigyan mo ng malinaw na pag-unawa kung hindi mo man maisakatuparan ang kanilang kahilingan ngayon ay matupad mo naman sa ibang araw ang kanilang hiling.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page