top of page

May nare-rape dahil may rapist, period! Stop victim-blaming!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 6, 2021
  • 1 min read

Updated: Jan 8, 2021

@Editorial | January 6, 2021



Mainit ang usapin ng “rape” ngayon kasunod ng pagkamatay ng isang flight attendant.


Batay sa inisyal na imbestigasyon, pinagdroga at ginahasa umano ang biktima hanggang sa natagpuang walang buhay.


Kasabay ng paghingi ng hustisya ay ang walang kamatayang paninisi sa mismong biktima.


“Kasalanan niya sumama siya sa mga lalaki!”


At hindi lang ito ang unang pagkakataon na may nangyayaring victim-blaming. Sa tuwing may nabibiktima ng pang-aabuso, palaging kasunod ang paninisi sa biktima mula sa kanyang pananamit, pananalita hanggang sa kung saan siya nagpupunta at sino ang kasama.


Parang binabaliktad ang sitwasyon at ang mga biktima pa ang pinalalabas na tila may kasalanan.


Mahirap bang tanggapin na kaya may nabibiktima ng panggagahasa ay dahil may rapist? Dahil talamak pa rin ang ilegal na droga? Nagkalat ang mga porn sites at malalaswang babasahin?


May nare-rape dahil may rapist, period!


Sa panahon na patuloy ang pagkalat ng droga at maraming masasamang impluwensiya, iwasan na ang baluktot na kaisipan. Huwag nang dumagdag sa gulo.


Ang kailangan ngayon ay solusyon kung paano matitigil ang iba’t ibang krimen sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page