top of page
FRANKLY - MARTIN, FEELING PINARUSAHAN NI LORD KAYA NAGKAANAK NG SPECIAL CHILD-FB Martin Ni

May nakaaway sa iskul... Grade 10, nagdala ng baril, huli

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | July 3, 2026



Baril nahuli sa Grade 10 - PRO-6

Photo: PRO-6



Nasamsaman ng kalibre .38 na revolver at anim na bala mula sa isang 15-anyos na Grade 10 student sa loob ng isang paaralan sa Barotac Nuevo, Iloilo noong Martes.


Sa ulat ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), nakatanggap ng impormasyon ang isang guro na may dalang baril ang estudyante, kaya agad na humingi ng tulong sa pulisya at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).


Sa isinagawang inspeksyon sa bag ng menor-de-edad sa tanggapan ng guidance counselor, narekober ng mga awtoridad ang baril at mga bala.


Ayon sa ina ng estudyante, nabatid niyang nabugbog umano ang kanyang anak noong nakaraang buwan matapos magkaroon ng alitan sa ilang indibidwal.


Isinailalim na sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang menor-de-edad habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, samantalang sinabi ng Department of Education (DepEd) na patunay ang insidente na epektibo ang pinaigting na seguridad sa mga paaralan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page