May mamanahing ari-arian at pera sa yumaong kaanak
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 21, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lourdes ng Zambales.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nasa fort ako dahil may susunduin akong kaibigan. Habang naghihintay ako, nagpahangin muna ako sa fountain na malapit lang du’n. Ang sarap ng pakiramdam ko habang nakatingin sa fountain dahil ang ganda-gandang pagmasdan ng tubig na para bang nagsasayaw.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Lourdes
Sa iyo, Lourdes,
Ang panaginip na nasa fort ka dahil may susunduin kang kaibigan ay nangangahulugan na napakalakas ng fighting spirit mo. Kayang-kaya mong harapin ang mga pagsubok na dumarating sa iyong buhay. Gayundin, maaasahan ka ng iyong mga kaibigan sa mga problemang dumarating sa kanilang buhay dahil agad mo silang tutulungan at pagagaanin ang kanilang kalooban. Samantala, ang nagpahangin ka sa fountain habang hinihintay ang pagdating ng iyong kaibigan at ang gandang pagmasdan ng tubig dahil parang nagsasayaw ay nagpapahiwatig na may mamanahin kang ari-arian mula sa iyong mahal sa buhay na yumao na. Posible ring may kasama itong pera.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments