May history na ng pagkalugi… Mga dapat gawin ng bebot na worried sa kukuning parlor
- BULGAR
- Oct 18, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | October 18, 2023
Dear Maestro,
Tungkol sa negosyo ang nais kong malaman, Maestro, kung halimbawang magbukas ako ng sariling parlor, aasenso kaya ako? May parlor ‘yung kaibigan ko, pero gusto niya na itong bitiwan.
Ang pinto nito ay nakaharap sa lubugan ng araw, hindi kagaya ng pinapasukan ko ngayon na nasisikatan ng araw, okey lang ba ito, Maestro? Dalawa na kasi ang dating pumuwesto rito na nalugi, kung sakaling kukunin ko ito at nalugi, ako na ang pangatlong malulugi sa puwestong ito, kaya bago ako umarya, naisipan ko munang kumonsulta sa inyo.
Ano sa palagay mo, Maestro, dapat ko bang kuhanin ang nasabing parlor o ‘wag na lang? At pagdating naman sa aking lagda may dapat pa ba akong baguhin dito? Ang birthday ko ay May 23 1990.
Umaasa,
Karla ng Karuhatan, Valenzuela City
Dear Karla,
Sabi ng mga eksperto sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, ‘wag kang kukuha ng karelasyon o mapapangasawa na may kasaysayan ng “broken relationship” o ‘yung mga babae o lalaking maraming beses o paulit-ulit nang nahiwalay sa kanilang kinasama dahil hindi raw maganda ang ganu’ng karelasyon.
Ang pagiging “immature” ng isang tao ay madalas na dahilan kung bakit hindi nagwo-work ang isang relasyon. Ibig sabihin, malas sila sa pag-ibig at kapag sila ang nakarelasyon mo, malamang ay malasin ka rin.
Pero sa personal kong palagay, hindi naman totoo na may malas sa pag-ibig. Bagkus, hindi pa nila natatagpuan ang taong laging bigo sa buhay, pero kapag natagpuan niya ‘yun, kailanma’y hindi na siya mamalasin. Sa halip, dahil natagpuan niya ang kanyang “soulmate”, habambuhay na siyang liligaya.
Kailan mo naman matatagpuan ang iyong “twin heart” o soulmate? – Ayan ang tanong na siyang araw-araw nating ipinaglilingkod sa mga artikulong ito.
Samantala, ano naman ang kaugnayan ng pag-ibig o pakikipagrelasyon sa tinatanong ni Karla kung dapat niya bang kunin ang puwesto ng parlor na may dalawa nang nakakuha na noon ay nagnegosyo sa puwestong ito, pero nalugi at ngayon balak mong ikaw naman ang kukuha o pupuwesto?
Hindi mo na dapat ito kunin dahil tulad nang naipaliwanag sa itaas, ang pangunahing rule ay: Kung ang isang puwesto ay hindi naman umaasenso at marami nang humahawak sa puwesto, pero palaging nalulugi, sinumang magtinda o gumamit nito, huwag mo nang kunin ang puwestong ito dahil tulad nila, may tendency na malugi ka rin.




Comments