top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

May hawak na ebidensiya, GMA7… NIÑO, IDINIIN NA ‘DI ANG ANAK NA SI SANDRO ANG UNANG NAG-TEXT KAY NONES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2024
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary| August 14, 2024



Showbiz News
Photo: Niño at Sandro Muhlach / Circulated

Ibinulgar ni Niño Muhlach ang umano’y palitan ng text messages ng anak niyang si Sandro at ni Jojo Nones, ang isa sa dalawang independent contractors ng GMA-7 na inakusahang umabuso sa Sparkle artist.


Sa Senate hearing nu’ng Lunes, binasa ni Niño ang text messages sa pagitan nina Sandro at Nones. 


Napilitan si Niño na ilabas ito dahil ang depensa ng kalaban ay si Sandro umano ang unang komontak sa kanila.


Ani Niño, “Nainsulto talaga ako nu’ng sinabi nila sa media na si Sandro ang unang nag-text, eh.”


Kasunod nu'n ay binasa ng aktor ang conversation nina Sandro at Nones, with the first text being sent at 3:59 AM. 


“Hi, Sandro. Saw you kanina, didn’t get to say “Hi”. Nakauwi ka na?”

Sagot naman ni Sandro, “Sir Jojo, sorry po. ‘Di po kita nakita kanina. Naka-check-in po kami right now sa Marriott, Sir. Hope to see you soonest, Sir Jojo.”


Tugon ni Nones, “Be safe.”


Sagot muli ni Sandro, “Thank you, Sir Jojo. Hope to work with you again. See you soon po.” 


Nagpatuloy ang kanilang usapan at heto ang mga sumunod na text messages:


Nones: “Nabitin ako sa inom, Hahahaha!” 


Sandro: “Ako nga rin po, eh.”


Nones: “Yes, soon. Cast kita nagdi-direk ako now.”


Sandro: “Wow, Sir. Looking forward to that too.”


Nones: “Gusto mo ba? We have some alcohol here in the room, we can order some more.”


Sandro: “Saan po kayo, Sir?” 


Nones: “Belmont Hotel, katabi lang ng Marriott.”


Sandro: “Sinu-sino po kayo, Sir? Hahaha!”


Nones: “Just me.”


Hindi na raw nag-reply si Sandro.


Pero, muli raw nag-text si Nones ng 4:27 AM, at sinabing he was with some drama people. Patuloy na binasa ni Niño ang palitan ng text messages.


Text muli ni Nones, “Hahaha! just kidding, [I am with] the drama [people]. But we’re wrapping up in a bit.”


Sandro: “Nand’yan pa ba kayo, Sir? Baka po pwedeng dumaan saglit, Hahahaha!”


Nones: “Sure, may kasama ka?”


Sandro: “No po, ako lang. Kabababa ko lang po sa room ng friends ko.”


Nones: “Oks, Belmont Hotel. 700B.”


Sandro: “Okay po, akyat po ako.”


Wala nang iba pang binasa ang aktor na si Niño Muhlach.



IPINAGTANGGOL ni Heart Evangelista ang mister na si Senate President (SP) Chiz Escudero mula sa maraming bumabatikos dito sa hirit tungkol sa Philippine holidays.

Sa isang video ay sinagot ni Heart ang komento kaugnay sa inanunsiyo ni SP Chiz. 


Aniya, hindi babawasan ang bilang ng holidays kundi hindi lang daragdagan. 'Ika pa niya, may mga na-fake news na naman na sobrang active sa social media.


Nilinaw naman ni Sen. Escudero sa isang panayam na hindi babawasan ang holiday at wala raw siyang sinabing ganu’n. 


Ayon sa kanya, walang basehan ang mga kumakalat na impormasyon. Ipinaliwanag niya na ang konseptong kanyang binanggit ay ang tinatawag na “holiday economics”, isang polisiya na ginagamit upang i-maximize ang mga long weekends. 


Ang layunin ng holiday economics ay kapag natapat ang isang holiday sa pagitan ng dalawang araw ng trabaho, idedeklara bilang holiday ang isa pang araw upang magkaroon ng mas mahabang pahinga ang mga manggagawa. 


Dagdag pa ni Senador Escudero, ang kabuuang bilang ng mga holidays sa bansa ay halos umabot na sa isang buwan kung pagsasama-samahin, kaya’t hindi na kinakailangang dagdagan pa. 


Sa halip, binigyang-diin niya na mas mahirap na usapin ang magbawas ng holidays dahil ito’y maaaring magdulot ng debate. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page