May death threats daw, sinopla… NETIZENS KAY MAGGIE: WA' KAMING PAKI SA PROBLEMA N'YONG MAG-ASAWA
ni Ma. Consuelo Nolasco @Special Article | May 8, 2023

Muling naglabas ng isang mahabang mensahe ang controversial social media personality ngayon na si Maggie Wilson sa kanyang Instagram account kahapon (Linggo, May 7).
Ibinahagi niya ang tunay na rason kung bakit daw siya umalis sa Pilipinas kasama ang rumored boyfriend na British-Thai digital entrepreneur na si Tim Connor.
Ang sabi pa nito, kung inaakala raw ng ilan na kaya siya umalis sa 'Pinas nang hindi nagpapaalam sa anak ay dahil sa kasong adultery na isinampa sa kanya ng dating asawang real-estate tycoon na si Victor Consunji ay nagkakamali ang mga ito, dahil ang tunay na rason ay nakakatanggap daw sila ni Tim ng mga death threats.
Ani Maggie, "If you think I left the Philippines, without saying goodbye to my son was due to me being charged with adultery. You are very wrong...

"Tim and I have had numerous death threats but he has protected and stood by me."
Maging ang kanyang pamilya raw ay hindi nakaligtas na makatanggap ng mga death threats.
"My family have also been threatened and they too have stood their ground."
Sa huling mensahe pa ni Maggie sa kanyang post ay tila hinihikayat niya ang mga followers na i-report ang mga death threats na natatanggap niya sa Department of Justice o DOJ.
"I encourage you to urge our DOJ to show the rest of the world that we live in the 21st Century and this is not acceptable whoever you think you are in our country."
Halu-halong komento naman ang iniwan ng mga netizens sa nasabing post ni Maggie.
Ang mataray na sey ng isa na tila sinasabing 'wag gawing national concern ni Maggie ang marital issues nila ng dating asawa, "Problema ninyo 'yan, kayo ang gumawa ng aksiyon. You and Vic's adulterous life is not this country's national concern. Mga narcissistic kayo!"
"Ito namang si Maggie, oh. Chismosa lang kami, uy! Hindi kami magra-rally sa DOJ at magpapakadakila para sa inyo! Problema n'yo 'yan, ayusin ninyo. May mga batalyon naman kayo ng abogado, 'di ba?" comment naman ng isa pang netizen.
So, 'yun na nga, Maggie, ang mga netizens na ang nagsalita na chismosa lang talaga sila at hindi pakialamera.
After all, marital issues mo 'yan kaya ikaw dapat ang gumawa ng aksiyon, 'di ba?!





Comments