top of page

May bad news, pero paano mo sasabihin nang maayos sa kanya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 9, 2020
  • 3 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 9, 2020




Parang ang hirap yatang magsabi ng bad news sa isang tao. Pero mas mahirap naman yata kung magsasabi ka ng bad news ay wrong timing pa. Pero kung pipiliin ang tamang timing nang maingat, at least ang balita ay hindi masyadong traumatic sa nakarinig.


  1. ALAMING MABUTI ANG BAD NEWS. Gaano ba kasama ang balitang iyan? Gusto mo bang sabihin sa kanya na patay na ang aso niya, o nawalan ka ng trabaho? Ang isa pang miyembro ng pamilya o close friend ay namatay? Kung ang bad news ay may kaugnayan sa iyo ( gaya ng nawalan ka ng trabaho? Ang epekto ay kakaiba kaysa sa problemang may kaugnayan sa kanila (ang pusa niya ay namatay).

  2. PUMILI NG MASAYANG ORAS PARA MASABI ANG BAD NEWS. Puwedeng maisingit sa oras ng kasayahan ang masamang balita. Kasi, tiyak kang ang lahat ay relaks, kaya huwag na huwag sasabihin ang masamang balita kung ang magulang ay galing sa kanilang trabaho o matapos na makaaway ang asawa. Gayunman, kung ang balita ay sobrang malaki, hindi na ito puwede pang maghintay ng, “tamang timing na oras,” basta’t huminga ka na lang ng malalim at saka sambitin ang wikang,” Kailangan ko kayong makausap, ayoko na po kasing patagalin pa at baka sisihin n’yo pa ako.”

  3. UMUPO NA KAHARAP ANG LAHAT NG TAO NA GUSTONG SABIHIN ANG BAD NEWS. Maging mahinahon, pero tumbukin na agad ang puntos, maniwala ka o hindi, mas madali sa isang tao na makatanggap ng masamang balita kaysa ang maubos ang oras na manghula sa anumang ikinikilos mo at itinatago. Simulang sabihin na, “May sasabihin akong balita sa inyo,” o kaya naman ay “Wala kasing madaling paraan para masabi ko ito.” Tapos ay tingnan siya ng diretso sa mga mata at kampanteng sabihin kung ano ang nangyari. Kung mayroong aksidente at may namatay, diretsahang sabihin, pero mahinahon: “Sorry sa sasabihin ko sa inyo, malubhang aksidente sa sasakyan ang dinanas ni Nilo, namatay po siya.” Huwag silang bitinin sa mga salitang, “Naaksidente si Nilo.” Baka magtanong pa sila nang magtanong ng kung anu-ano at saang ospital naroon siya.

  4. HINTAYIN ANG KANILANG REAKSIYON. Kung sisigaw sila, manatiling kampante at ikaw na ang magpakampante sa kanila. Kung iiyak, ipanatag sila. Maaari silang manahimik, hayaan mong humupa ang kanilang loob. At pagkatapos saka mo sila akbayan at aluin ng sinsero at sumimpatiya.

  5. TULUNGAN MUNA ANG SARILI KUNG PAANO SASABIHIN ANG BAD NEWS. Kung may isang tao na namatay, paano ba ito matatanggap ng kaibigan o kaanak? Kung ang aso naman ang namatay, paano siya gugunitain ng kanyang amo? Kung may nawalan ng trabaho, paano siya makahahanap ng bago? Isaisip na kahit sino ay iba’t iba ang reaksiyon kapag nakatanggap ng bad news. Tiyakin na ikaw na mismo ang handa para sabihin na ang bad news. Kontrolin ang sariling damdamin at manatiling kampante hanggang kaya.

  6. Konsiderahin na iba na lang ang magsalita. Mas mainam na iba na lang ang puwedeng magsabi sa kanila, puwedeng ipadaan ito sa kaibigan, isang pari o pastor o close friend nila na siya na lang ang magsabi sa kanila? Mainam ito kung hindi ka gaanong close sa kanila para mabanggit ang bad news.

  7. Kung magagalit siya at mag-iiyak, manatili kang kampante. Ito ay normal na responde sa masamang balita.

  8. Kung may isa sa kanila ang sobrang nagbigay ng reaksiyon at nagbasag ng ilang kagamitan o nagwala, umalis ka na kaagad sa naturang lugar at hintayin ang tao na kumampante na lamang. Tawagan ang kaanak o kapitbahay para awatin ang nagwawalang kapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page