top of page
FRANKLY - PIKTYUR NI ELLEN NA MAY KASAMANG MALE MODEL SA CHINA, AGAW-EKSENA_IG _maria.elen

May ASEAN man o wala, rollback sana tuluy-tuloy

Writer: BULGAR
BULGAR
8 hours ago
1 min read

by Info @Editorial | November 18, 2026



Editoryal, Editorial


Malaking ginhawa sa mga motorista at ordinaryong mamamayan ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo. Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin, bawat pisong natitipid sa gasolina at diesel ay malaking bagay sa pang-araw-araw na buhay.


Pero sana, hindi lamang habang ginaganap ang ASEAN Summit nararamdaman ang ganitong ginhawa. Mas kailangan ng publiko ang tuluy-tuloy na pagbaba ng presyo ng langis, lalo na ang mga tsuper, manggagawa at pamilyang araw-araw na nakikipagsabayan sa mahal na bilihin.


Hindi rin dapat maging kontento sa pansamantalang rollback. Kailangang tiyakin ng pamahalaan na patas ang presyo ng petrolyo at agad na naipapasa sa mga konsyumer ang anumang pagbaba ng presyo sa pandaigdigang merkado.


Ang tunay na magandang balita ay hindi lamang ang isang linggong rollback, kundi ang pangmatagalang ginhawang mararamdaman ng bawat Pilipino.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page