top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

May araw ng mga puso, pero walang araw ng mga utak kaya andaming tanga

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 14, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Pebrero 14, 2023



MAY ARAW NG MGA PUSO, PERO WALA NAMANG ARAW NG MGA UTAK KAYA ANDAMING TANGA NA BUMOBOTO SA MGA KURAKOT—Araw ng mga Puso o Valentine’s Day ngayon.


At kahit hindi deklaradong holiday, maraming Pilipino ang nagdiriwang ng Araw ng mga Puso—magkasintahan, magkakapamilya, magkakaibigan at maging ang magkakasama sa trabaho ay karaniwang nagbibigayan ng bulaklak, tsokolate at iba pang regalo.


Hay naku, bakit kasi may Araw ng mga Puso, pero wala namang Araw ng mga Utak sa Pilipinas? Ang dami tuloy tanga at bobotanteng sumusuporta sa mga korup na pulitiko tuwing eleksyon. Boom!


◘◘◘


NGAYONG SI RUBIO ANG BAGONG CUSTOMS HEAD, MAGAWA KAYA NIYANG IPAKULONG MGA AGRI-SMUGGLER? – Sinibak ni President Bongbong Marcos si Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz at ang ipinalit sa kanya ay si Bienvenido Rubio.


Ngayong si Rubio ang bagong head ng Customs, tingnan natin kung kaya niyang dakpin, kasuhan at ikulong ang mga agri-smugglers sa ‘Pinas na sina ‘Leah Cruz,’ ‘Michael Yang,’ ‘David Bangayan,’ ‘Paul Teves,’ ‘Manuel Tan,’ ‘Andrew Chang,’ ‘Jun Diamante,’ ‘Lujene Ang,’ ‘Beverly Peres,’ ‘Lucio Lim,’ alyas ‘Aaron’ at ‘Michael Ma’ na may konek kay Martin Araneta na utol ni First Lady Liza Araneta-Marcos. Abangan!


◘◘◘


LAHAT NG NAGING CUSTOMS COMM., NAPAPAKO ANG PANGAKONG PAGLABAN SA SMUGGLING AT KORUPSYON SA ADWANA—Sabi ni newly-appointed Customs Comm. Rubio, tututukan niya ang pagpapataas ng tax collection, pagsugpo sa smuggling at corruption sa Adwana.


Sa totoo lang, lahat ng mga bagong naitatalagang Customs commissioner ay ganyan ang pangako sa publiko, pero kapag nagtagal sa posisyon, napapako na lang ang pangako. In short, wala rin nangyayari, mababa ang koleksyon ng buwis dahil sa talamak na smuggling at corruption sa Adwana, period!


◘◘◘


KAILAN AAKSYON SINA BATANGAS PD COL. SOLIBA AT LAGUNA PD COL. SILVIO LABAN SA MGA NANRARAKET SA KANILANG JURISDICTION?—Patuloy na namamayagpag ang raket na color games at drop balls nina ‘Aling Tessie’ sa Batangas at ‘Baby Panganiban’ sa Laguna.


Kailan kaya gagawa ng aksyon sina Batangas Provincial Director (PD), Col. Pedro Soliba at Laguna PD, Col. Randy Silvio laban sa mga manraraket na ito na nambibiktima sa mga residente sa kanilang nasasakupan? Abangan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page