top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

May 8-car garage, swimming pool, sauna, elevator, etc…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 9, 2020
  • 2 min read

BATHTUB SA BAGONG MANSIYON NI VICE, HALOS P1 MILYON

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 9, 2020




Ilang beses naudlot ang paglipat ng Kapamilya host na si Vice Ganda sa kanyang property na nabili niya mga five to six years ago na.


Kuwento ni Vice sa bago niyang vlog sa kanyang YouTube channel na pinamagatan niyang My New Valours Tour 20 Part 1 na in-upload niya kahapon, para raw sana sa kanyang yumaong lolo ang nabili niyang property. Pero dahil namatay ang kanyang lolo, pinatayuan na lang niya ito ng bahay na siya na rin ang gagamit ngayon.


Ibebenta na raw sana niya ang property but some people close to 'her' ay nag-advise na huwag nang ibenta at tataas pa ang value nito.


Nakinig naman si Vice at pinlano na niyang lumipat early this year, pero hayun at inabot ng lockdown kaya 'di siya naka-move in. Then, nu'ng lumuwag nang konti sa GCQ, sinubukan niyang mag-umpisa ng paglilipat ng gamit.


Ang kasamang host ni Vice sa It's Showtime na si Vhong Navarro ang nagrekomenda sa kanya ng mga gagawa at magde-design sa bagong valour (read: bahay) niya. Nagandahan kasi si Vice sa design ng bahay ni Vhong kaya sa kaibigan na rin nito ipinagkatiwala ni Vice ang paggawa sa kanyang bagong bahay.


Ang floor area ng mala-industrial design na valour ni Vice ay 1,300 sq. m. Kaya just imagine kung gaano ito kalawak, 'di ba?


Natuwa naman si Vice nu'ng makita niya ang bagong deliver na napakalaking horse lampshade niya na inorder pa niya abroad. At take note, maging ang inidoro sa powder room pagpasok ng bahay ay galing pa ng Dubai, ha?


Huwag magtaas ng kilay sa ipinagawang elevator ni Vice sa kanyang malawak na ay napakataas pang valour. Para raw sa kanyang senior citizen na ina ang elevator para 'di na mahirapang umakyat at bumaba.


May dalawang bonggang guest rooms at malawak na dirty kitchen na pawang metal ang gamit sa bagong bahay ni Vice. Nalokish-lokish si Vice sa laki ng ginawang dirty kitchen. Para raw tuloy silang may catering business sa laki, eh, ginising munggo at galunggong lang naman daw ang inuulam niya.


Bongga rin ang maid's quarter na ang daming beds at mukha raw tuloy quarantine area, at sandamakmak din ang mga storage rooms.


May 8-car garage rin ang bahay at sa tabi nito ang driver's room. And take note, hindi lang drivers ni Vice ang may kuwarto kundi pati ang mga bodyguards niya.


Another pangabog ni Vice sa valour ng ibang celebrities ay ang kanyang elevated glass swimming pool with jacuzzi. Saka may sauna rin si Vice na pinaka-fave raw ni Ryan Bang sa kanyang bahay.


May bakanteng area (recreational) pa sa bahay ni Vice na pinag-iisipan niya kung gagawimg gym for his boyfriend na si Ion Perez or multi-purpose hall na lang para sa party-party nila.


At eto ang pinakakabog sa mga gamit ni Vice — ang kanyang bathtub na ayon sa kanya ay P800 thousand lang naman! Imagine, bath tub lang, halos isang milyon na?! 'Kalokah, 'di ba?!


Grabe ang valour ni Vice to think na first part pa lang 'yan ng kanyang house tour. Wala pa ang master's bedroom o ang room ni Vice na may malawak na walk-in closet.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page