May 1, 2021, magiging available ang vaccine ng Russia
- BULGAR

- Aug 13, 2020
- 2 min read
ni Lolet Abania | August 13, 2020

Sa katatapos na briefing ni Sec. Harry Roque, ipinagmamalaki ng bansa ang gawang Pinoy na tinawag niyang, "Made in the Philippines" na surgical masks, N95 masks at PPEs na matatagpuan ang planta sa Cavite, Laguna at Clark.
Sa estado naman ng kaso ng may covid 19 sa mga lugar sa NCR at karatig probinsiya, binanggit ni Roque na nangunguna dito ang Quezon City.
Patungkol sa ayuda, ayon kay Roque, sisiguruhin ng gobyerno na mabibigyan ng financial assistance ang lahat ng mga health workers at pamilya nito.
Nagpasalamat naman si Roque sa Russia sa pagbibigay ng vaccine kung saan umorder na ang bansa ng inisyal na 40 milyon para ilaan muna sa mga mas mahihirap. Subalit, aniya, maaaring maging available ang covid 19 vaccine sa May 1, 2021.
Sa report ni Sec. Carlito Galvez, nakapagpamahagi na sa publiko ng 30 milyong libreng face masks.
Dagdag ni Galvez, mayroon na ring dagdag na 250 kwarto na itinatayo sa East Avenue Medical Center.
Sa report ni DepEd Sec. Leonor Briones, nagpahiram ng 50% classrooms ang ahensiya para gawing isolation at gamiting quarantine facilities na umabot sa 17,910 classrooms.
Patungkol sa edukasyon, ayon kay Briones, umabot na sa 23.2 milyon ang mga learners na papasok sa blended learning. Naipamahagi na rin ng DepEd ang learning modules para sa mga bata.
Ipinagdiinan naman ni Briones na tuloy ang pasukan sa August 24 at walang face to face learning, dahil distance learning ang ipapatupad ngayong school year 2020-2021.
Samantala, ayon kay Briones pag-uusapan pa ang tungkol sa hindi pagbagsak ng mga learners sa panahong isasagawa ang blended learning.
Tungkol sa mga empleyado ng LRT1, ayon kay Roque, hiniling na ni DOTr Sec. Arthur Tugade, na dapat na kuhanin ng tanggapan ng PNR, LRT2, MRT3 ang mga natanggal na kawani nito.
Gayundin, sabi ni Roque, bibigyan ng trabaho ang mga empleyado ng ABSCBN, dahil nangangailangan ang gobyerno ng staff at writers, reporters.





Comments